Chapter Ten: Sick

306K 5.4K 255
                                    

Chapter Ten: SICK


<MURIEL'S POV>



NATAPOS ang buong maghapon at hindi na muling nagpumilit si Riley na makausap ako. Naisip ko na baka nag-one on one talk na sila ng nanay niya. Maigi naman kung ganoon. Mababawasan na rin ang sakit ng ulo ko.



Dahil sa paminsan-minsan na pagkirot ng sugat ko ay minabuti ko na lang matulog nang matulog. Buong hapon akong nagkulong sa kuwarto. Nagising lang ako nang hatiran ako ng pagkain ni Nana Tonya.



"Ubusin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot," aniya na asikasung-asikaso ako magmula kanina. "Ayaw mo na? Halos hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo."



"Wala po kasi akong gana." Hindi ko lang masabi na mabigat ang ulo ko at masama ang aking pakiramdam.



Umangat ang kamay ni Nana Tonya at hinipo ako sa noo.



"Nilalagnat ka. Teka lang, kukuha ako ng paracetamol." Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik siya kasama si Lenny na may bitbit na palangga na may tubig at bimpo. Agad nila akong inasikaso at inalagaan.



I miss my mom! Parang gusto kong maiyak nang maalala ang kung paano alagaan ni Mommy sa tuwing magkakasakit ako.



Mga limang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa Davao. Miss na miss ko na tuloy sila. Kanina lang ay nakausap ko si Mommy sa cellphone. Nangungumusta at nag-aalala para sa kin. Mukhang nase-sense niya na magkakasakit ako. Hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam sa pinasok ko at wala rin akong balak sabihin. Basta para rin naman sa kanila itong ginagawa ko at isang linngo na lang din naman ang titiisin ko at makakauwi na rin ako sa aking pamilya.




FLASHBACK...



Nang makita ni Ma'am Lorie ang kalagayan ko ay walang patid ang paghingi niya ng sorry sa akin. Para pa siyang maiiyak at awang-awa sa sinapit ko sa kamay ng kanyang pasaway niyang anak.



"All this time naging unfair ako sa'yo, Muriel. Hindi sana mangyayari ito kung hindi kita pinilit. Ako ang naglagay sa'yo sa sitwasyon na ito. Now, I want to get you out of this."



"Po?"



"Kailangan na nating itigil ang pagpapanggap na ito."



Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.



"Just give me one more week, Muriel. Iyon lang ang hihilingin ko sa'yo."



So, it's over? Dapat ba akong magbunyi?



"Paano po si Riley?" Hindi ko alam kung bakit siya agad ang unang pumasok sa isip ko.



"Finally, pumayag na siyang mag-undergo ng operation."



"Talaga po?"



Tumango si Ma'am Lorie. "Pumayag siya sa kondisyon na hindi ka aalis. Iniisip ni Riley na baka umalis ka dahil sa nangyari kagabi. Natakot siya na baka iwan mo siya uli."



Kung alam ko lang na iyon lang pala ang paraan para mapapayag siyang magpaopera ay ginawa ko na sana sa dati. Nagpakahirap pa tuloy ako.



"Kailan po ang operation ni Riley?" Naisip kong itanong.



"Hopefully by next week."



Ganoon kabilis?



"Ang ibig po ba ninyong sabihin, pagkatapos ng operation ni Riley ay mawawala na ako sa eksena? Siguradong hahanapin niya ako pagkatapos. Ang sabi n'yo sa akin ay sa susunod na buwan pa babalik si Samantha."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon