Chapter Eight: Jealous part2

301K 5.1K 260
                                    

Chapter Eight: Jealous part 2

<MURIEL'S POV>

NAKARAMDAM ako ng pagod sa pagsunod kay Buddy. Hindi ko alam kung saan siya papunta. Basta sinundan ko lang siya.

"Buddy!" tawag ko dahil bigla siyang nagtatakbo palayo. Tumakbo na rin ako. Hindi siya maaaring mawala sa aking paningin. Bago ko pa namalayan ay hindi ko na siya makita. Bigla na lamang siyang nawala. Luminga ako sa paligid. Medyo malalim na ang gabi. Ang ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Wala na rin akong makitang tao sa kalsada at wala na ring sasakyan na dumaraan. Pilit kong pinaglalabanan ang takot. Kailangang mahanap ko si Buddy. Siya na lang ang pag-asa ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tahol ng aso. Nakita ko si Buddy sa may kanto na parang tinatawag ako. Agad akong tumakbo patungo sa direksyon niya. Hindi pa ako tutuluyan nakakalapit sa kanya nang muli siyang tumakbo patungo sa isang children's playground park. Sinundan ko uli siya at sa hindi kalayuan, may nakita akong anino ng tao na nakaupo sa swing. Hindi ako sigurado noong una hanggang sa mapagtanto ko na pamilyar sa akin ang kanyang pigura.

Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan nito at hindi nga ako nagkamali. "Oh god! Riley, anong ginawa mo rito? Alam mo ba na kanina ka pa namin hinahanap? Okay ka lang ba?" sunud-sunod kong tanong habang inaaaninag kanyang kondisyon sa dilim.

"I-It's you!" He smiled. "I knew it. Alam kong mahahanap mo ako."

Napangiwi ako nang maamoy ko ang alak sa kanyang bibig.

"Nakainom ka ba?" Saka ko lang napansin ang bote ng alak sa kanyang kamay. Agad kong kinumpiska iyon. "Saan mo ito nakuha? Alam mo namang bawal sa'yo ito, 'di ba?"

Nagawa pang tumawa ni Riley. "Ang dami mo namang tanong. Bakit hindi na lang sabihin na nag-alala ka sa akin. Na natatakot kang mawala ako?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Walang duda na lasing na siya.

"Halika na. Umuwi na tayo." Inalalayan ko siyang makatayo pero hindi ko inaasahan ang pagmamatigas niya.

"Ayaw! Ayoko pang umuwi."

"Riley naman! Alam mo bang kung anong oras na? Gabing-gabi na. Please, umuwi na tayo." But he refused again. Malapit nang maubos ang pasensiya ko. Kaunting-kaunti na lang! Nang biglang may bumisinang sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang kotseng minamaneho ni Manong Bay.

Nang makauwi kami, hindi pa rin tumigil si Riley sa pangungulit. Ayaw pa niyang matulog. Nagpupumilit siyang lumabas ng kuwarto. Gusto raw niyang magpahangin sa may garden.

"Meron ba kayong stock ng sleeping pills d'yan? Patutulugin ko lang ang lalaking ito!"

Hindi sumagot si Nana Tonya. Nakamata lang siya sa akin.

"Kung suntukin ko na lang kaya siya?"

Napabungisngis sina Lenny at Mila sa sinabi ko. Abala sila sa paglilinis kay Riley.

"Hindi ko pa rin maisip kung paano nakarating si Riley sa lugar na iyon," pagkaraan ay sabi ni Nana Tonya. "At kung saan din niya nakuha ang alak na ininom niya?"

"Nagtataka rin po ako. Mga tatlong kanto rin po ang layo mula rito sa bahay. Maliban na lang kung talagang kabisado ni Riley ang lugar o kaya..." sinadya kong putulin ang sasabihin at makahulugan na tumingin kay Nana Tonya. "May sinuman nagdala sa kanya roon sa playground."

"Hindi malayong mangyari iyon!" Mabilis niyang sang-ayon sa ideya na naisip ko.

"Ma'am Samantha, mabuti na lang po at sinundan ninyo si Buddy," komento ni Lenny. "Alam na alam niya kung saan matatagpuan si Sir Riley."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon