Chapter Seven: Jealous

324K 5K 141
                                    

Chapter Seven: Jealous


<MURIEL's POV>

BITBIT ang tray ng pagkain, nagmamadali ang mga hakbang na tinungo ko ang kuwarto ni Riley. Tinanghali ako ng gising at late na siya para sa kanyang agahan at pag-inom ng gamot. Nagtaka pa ako nang madatnan nakabukas ang pinto at mula sa loob ay narinig ko ang dalawang pamilyar na boses nila Lenny at Mila.

"Bilisan mo. Kunin mo na an gmga labahin."

"Ssshhh... Hinaan mo nga ang boses mo, baka magising si Sir Riley."

"Ang bagal-bagl mo kasi."

"Nagmamadali? May lakad ka, 'te?"

Nang bigla na lang may kung anong bumagsak sa sahig at lumikha iyon ng malakas na ingay. Patay!

"Get out of here!" singhal ni Riley sa dalawang dalagita na patakbong lumabas ng pintuan. Sa pagmamadali ay nilagpasan lang nila ako at hindi pinansin.

"Umagang-umaga may nabiktima na naman ng kasungitan mo!" bungad ko pagpasok ng kuwarto at dumiretso sa mini-dining table malapit sa balcony para ilapag ang bitbit na pagkain. Inaasahan ko na bubulyawan din ako ni Riley at pagsusungitan pero iba ang nangyari.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya na parang-batang nagtatampo. "Kanina pa kita hinihintay."

"May sakit ka ba?" Hindi ko naiwasang itanong at lumapit sa kanya para hipuin ang noo niya. Normal naman ang kanyang temperatura.

"Sam, nagugutom na ako," ungot pa niya sabay taas ng dalawa niyang kamay sa harapan ko.

"Anong klaseng tripping 'yan?" Akala siguro ni Riley ay madadaan niya ako sa pagpapa-cute niya.

Agad siyang sumimangot. "Ang slow mo! I'm just asking you to help me."

"Hindi ako slow. Hindi ko lang ma-gets kung bakit umaakto ka ng ganyan ngayon. This is not you, Riley!"

Bigla siyang natigilan at nawalan ng kibo. Pagkaraan ay basta na lamang siyang humiga sa kama at pumihit patalikod sa akin. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Hindi talaga siya nawawalan ng paraan para pahirapan ako tuwing umaga.

"Bumangon ka na d'yan! Akala ko ba nagugutom ka?"

Wala akong narinig na response mula kay Riley. Heto na naman kami!

"So, nagtatampo ka na ng lagay na iyan?"

Dedma pa rin siya.

"Mahal na prinsepe, nakahanda na po ang almusal ninyo," panay ang ikot ng eyeballs ko habang inaaalo siya. "Baby boy, come on. Huwag ka nang magalit. Bati na tayo, okay"

Isa...dalawa... I tried to hold my temper. Umagang-umaga ayokong masira ang mood ko.

"Huy!" Sinundot ko ng hintuturo si Riley sa tagiliran at napaigtad siya sa gulat. "Bumangon ka na d'yan. Lalamig na ang pagkain mo. Huy--"

He suddenly grabbed my arm and pulled me with force. I was caught off guard. Nag-landing ako sa ibabaw ng kanyang katawan. It happened so fast that I didn't even have to stop him at all.

"Sam, what made you change your mind?" he asked out of nowhere. "What made you stay?"

Kung ilang beses akong napakurap. Ang atensyon ko ay wala sa mga tanong niya kundi sa mga mukha namin na ilang pulgada lang ang pagitan. I could feel his breath hitting my face. Isang maling kilos ko lang, paniguradong maglalapat ang aming mga labi.

"Sam, I'm asking you."

"A-asking me what?"

"What made you stay? Ako ba talaga ang dahilan?"

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon