Chapter Two: The Meeting

377K 6.3K 670
                                    

Chapter Two: The Meeting

<MURIELS POV>

One week later

"Ginusto mo 'to, puwes, panindigan mo!" sabi ko sa sarili. Mga five minutes na siguro akong nakatayo sa harap ng malaking gate na iyon, pero hindi ko magawang pindutin ang doorbell button. Ganoon na lang ang kaba sa dibdib ko na parang gusto ko nang mag-back out.

Huminga muna ako nang malalim at pilit na pinalakas ang loob. Wala naman akong ibang gagawin kundi sabihin ang minemorize kong script na mismong si Maam Lorie ang gumawa. Lagyan ko pa raw ng kaunting feelings ang pagsasalita katulad ng itinuro niya sa akin noong isang araw. Tiwala naman ako na magagawa ko iyon. Huwag lang sasabay ang init ng ulo ko dahil baka bigla kong makalimutan na nagpapanggap lang pala ako.

Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang gate. Isang may-edad na babae ang lumabas.

"Ineng, pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Lorie," nakangiting sabi niya at iginiya ako papasok.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumambad sa harap ko ang ubod ng laking bahay. At lalo akong namangha nang makapasok sa loob. Ngayon lang ako nakatuntong sa ganitong kagarang bahay.

"Muriel!" nakangiting salubong sa akin ni Maam Lorie. "Im glad youre finally here. Are you ready?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi pa pero naunahan niya ako.

"From now on, everyone here will call you 'Sam' or 'Samantha'. Remember, hindi dapat makahalata si Riley. Wala siyang dapat malaman tungkol dito. This is just between you and me and of course, Nana Tonya." Itinuro niya ang may-edad na babae na nagbukas ng gate kanina.

"Si Nana Tonya ang puwede mong lapitan kapag kailangan mo ng tulong, especially pagdating kay Riley. Siya ang bahala sa 'yo," paliwanag ni Maam Lorie.

Naagaw ang atensiyon naming lahat nang bigla na lang may lalaking nagsisigaw sa itaas. Mayamaya, humahangos na bumaba mula sa hagdanan ang isang dalagita na mukha gustong umiiyak.

"Sige na, Lenny. Bumalik ka na sa kusina. Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Maam Lorie bago tumingin sa akin.

Heto na naman ang kaba sa dibdib ko.

"Muriel, are you ready?" tanong niya sa akin.

Puwede pa ba akong mag-back out?

"Riley, anak, may bisita ka," bungad ni Maam Lorie nang pumasok kami sa isa sa mga kuwarto sa second floor.

I saw him sitting on the floor, sa gilid ng kama. Nakatingin si Riley sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Lumingon lang siya nang marinig ang boses ng kanyang ina.

Where was the good-looking guy I used to know?

Ang nakikita ko ngayon ay isang mukhang sinaunang nilalang dahil sa mahabang balbas na nakapalibot sa buong mukha niya. Malayong-malayo ang itsura niya sa Sir Riley na nakikita ko noon sa opisina.

Bahagyang tumikhim si Maam Lorie at siniko ako. Hudyat na kailangan ko nang magsimulang magpanggap.

Gosh, this is it! Wala na itong atrasan!

"B-baby..." tawag ko kay Riley. Halatang nagulat siya nang marinig ang boses ko. "Baby, its me.."

"What are you doing here?" bigla niyang bulyaw na nagpatayo ng mga balahibo ko.

Kung makasigaw, wagas!

"I-I came back because of you."

"Get out of here! I dont need you anymore!" sigaw pa rin ni Riley na namumula ang mukha sa galit.

"I know I was wrong, but can you forgive me?" sabi ko sa nagmamakaawang boses.

"Ma, take her away from me!" baling ni Riley sa ina. "Paalisin nyo siya rito! I dont want to hear any of her lies!"

"No, Riley! I think you should talk to her."

"Pero, Ma..."

"No more buts. Kailangan nyong ayusin ang problema ninyo ni Sam. I'll leave you two alone."

Bigla akong napalingon kay Ma'am Lorie at bago ko pa siya mapigilan ay tuluyan na siyang nakalabas ng kuwarto.

"Umalis ka na, Sam. Wala na tayong dapat pag-usapan. I dont want to see you anymore."

I rolled my eyes. Oh yeah, as if naman na nakikita niya ako.

"I wont leave until you forgive me." May naisip ako na bagong taktika. Mukha kasing hindi uubra kung patuloy akong magmamakaawa sa kanya.

"You dont know what you are saying."

"I mean it! Hindi ako aalis dito. Kahit kaladkarin mo pa ako palabas ng bahay nyo, babalik at babalik ako," matapang na sabi ko.

"Why are you doing this, Sam?"

Dahil pinilit ako ng nanay mo! Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero sa halip  iba ang lumabas sa bibig ko.

"Because I still love you."

Huh? Saan nanggaling iyon?

"You still love me?" He pointed his finger at himself while laughing. Isang tawa na nakakaloko. "Oh, come on! Pagkatapos mo akong iwan, saka mo sasabihin sa akin na mahal mo ako? Huwag na tayong maglokohan, Samantha. Alam ko naman kung bakit ka bumalik. Dahil naaawa ka lang sa akin."

"Hindi ako naaawa--"

"I dont believe you and stop lying! Hindi pa ba sapat na pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo noon? You dont know how much pain youve caused me. So please... just leave!" Naroon ang hinanakit sa tinig ni Riley.

Bigla akong nawalan ng sasabihin. Na-caught off guard ako sa narinig. Putsa! Ano ba kasi itong napasukan ko?

"Leave now!" Muli niyang sigaw na nagpapitlag sa akin. Pero imbes na matakot ay lalo akong nagpursige na makumbinsi siya.

"Basta! Hindi ako aalis. I will never leave you again. I'll be the one to take care of you. I wont give up on you no matter what happens."

"Katulad ng sinabi ko, hindi ko kailangan ng awa mo."

"Sino bang nagsabi na naaawa ako sa 'yo? Hindi pa ba obvious na kaya ako bumalik ay dahil mahal pa rin kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko? Alam kong nagkamali ako nang iwan ka at pinagsisihan ko na iyon."

"Its useless, Sam. I dont love you anymore."

Naman! Hanggang kailan ba magpapakipot ang lalaking ito? Mauubusan na ako ng dialogue.

"Naiintindihan ko ang galit mo dahil sa ginawa ko sa 'yo. Obvious naman na kaya ka nagkakaganyan dahil mahal mo rin ako. I know you still love me and dont you dare deny it."

"GET OUT!" Um-echo ang malakas na boses ni Riley sa buong silid. "Get out of my room! Get out of my life!"

"Hindi mo kailangang sumigaw!"

"Wala kang pakialam! Gagawin ko kung anong gusto ko!"

"FINE!" ganting sigaw ko. "Aalis na ako kung iyon ang ikaliligaya mo!"  Hindi ko na nakontrol ang temper ko at dere-deretsong nagmartsa palabas ng pintuan.

Mamaos ka sana!

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon