Chapter Twelve: Chaperone

313K 5.1K 219
                                    

Chapter Twelve:  Chaperone

<Muriel POV>

KUng ako ang masusunod hindi ko na kailangang bumalik sa doktor na iyon. Kayang-kaya naman ni Nana Tonya na linisin ang sugat ko. Pero Si Riley na mismo ang nag-insist na pumunta ako. Noong una parang ayaw pa nga niya. Lalo na ng malaman nito na ang doktor na gumamot sa sugat ko at ang lalaking nagpadala ng bulaklak sa akin ay iisa. Mabuti na lang at magaling mambola ang kaibigan nitong si Jared. At sa huli ay napapayag nito si Riley na sumaglit ako sa ospital.

Kahit bawal pa akong maligo ay naligo pa rin ako. Nangangati na ang buong katawan ko. At isa pa hindi ko na maatim ang amoy ng buhok ko. Pakiramdam ko ang baho-baho ko na.

Sinulyapan kong muli ang sarili sa salamin bago lumabas. Okay na siguro ang suot kong skinny maong pants at V-neck shirt. Hindi ko naman kailangan magpaganda lalo na kung ang makikita ko ay ang doktor na nakakairita kung ngumiti.

"Hello girlfriend!" Nakasandal sa hamba ng pinto si Jared. Giving me a devastating smile, sabay tanggal ng suot niya na shades.

Hindi ko alam kung may iaangat pa ang kilay ko sa inakto niyang iyon!

"May kailangan ka?" Dedma lang ako sa kapreskuhan niya.

"Sinabihan ako ni Riley na samahan daw kita sa hospital."

So, ito pala ang kondisyon ni Riley para payagan siya nito. "Ano ka? Chaperone ko?" 

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Suwerte mo! Dahil mayroon kang guwapung-guwapong chaperone!"

Ang tindi talaga ng dating niya. Mas matindi pa sa bagyo. 

"Ready ka na ba?" At saka niya ako hinagod ng tingin. Pero tila nadismaya siya sa nakita. "Iyan na ba ang isusuot mo?."

"Bakit ano ba ang ine-expect mo? Magga-gown ako?" Sarkastikong sabi ko.

"Mas okay sana kung magde-dress ka tapos-"

"Ospital po ang pupuntahan natin hindi party!"

"Nagsa-suggest lang naman ako."

Nagpatiuna na akong bumaba ng hagdan at iniwanan siya. 

"Huy! Hintayin mo ako!" Habol niya sa akin pero dire-diretso ako na tila hindi siya naririnig.

<Jared POV>

"And I've got all that I need. Right here in the passenger seat. Oh and I can't keep my eyes on the road. Knowing that she's inches from me." Sinadya kong lakasan ang boses habang sinasabayan ang kanta sa aking stereo.

Nang sulyapan ko si Muriel sa aking tabi ay hindi na maipinta ang mukha niya. Ang dalawang kamay ay nakatakip sa magkabila niyang tenga. 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon