Chapter Twenty Eight: DejaVu

325K 5.4K 982
                                    

Chapter Twenty Eight: DejaVu

<Muriel POV>

"Good morning!"

I almost jumped in surprise. Hindi ko inaasahan ang masiglang tinig ni Riley na bumangad sa akin ng umagang iyon.

"Come, sabay na tayong mag-breakfast."

Tila wala sa sarili na sumunod ako at umupo sa silya na hinila niya para sa akin. Nagtataka lang ako sa magandang mood niya. HIndi ito ang Riley na ini-expect ko. He looks really fine. At sa tingin ko pa nga ay mukhang masaya siya. Why? Hindi maalis-alis ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi.

Ito ba ang kagagaling lang sa isang break-up? O baka naman nagkaayos na sila ni Samantha kaya ganon na lamang ito kasaya ngayon?

What you see on him is what you get. Ganon siya ka-transparent. At malamang nga ay nagkabalikan na silang dalawa.

Even if I want to be happy for him, deep inside ay may lungkot pa rin akong nadarama. But I rather choose to see him happier with Sam than see him hurting too much.

Hay... ako nga ba ito? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Kailan pa ako natuto na maging martir?

"Hey! Hindi ka mabubusog kong patuloy mo lang akong tititigan." Pinitik niya ang mga daliri sa tapat ng mukha ko. 

"Sorry!" Sabay yuko. "May iniisip lang ako." 

"Tingin ko nga! Kanina pa ako salita ng salita rito pero hindi ka naman nakikinig."

"Sorry!" Ako ulit.

"You're forgiven! Basta ba ako ang iniisip mo at hindi si Jared." 

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ulit ako sa kanya.

"I'm just joking!" He said while smiling devishly. 

Paano nasali si Jared sa usapan?

Lalong lumapad ang ngiti Riley. "Bakit ba napakadamot mong ngumiti?" At sa pagkamangha ko nangbiglang umangat ang kamay niya at pinisil ako sa pisngi. "Ngiti ka naman dyan kahit konti!"

Sa halip na ngumiti ay sumimangot ako. Pinagtitripan ba niya ako?

"Here! Kumain ka na nga lang." Hindi na ako nakatanggi nang siya mismo ang maglagay ng pagkain sa pinggan ko. "Baka kapag nalagyan ng laman ang tiyan mo ay magbago ang mood mo." 

Lalo lang tuloy akong napasimangot. Hindi ko naiwasang mairita sa kinikilos niya. Kung hindi ko pa siya pinigilan ay baka mapuno na ng husto ang pinggan ko ng pagkain. Tinignan ko siya ng masama. Ngunit dedma lang si Riley. 

"Where are you going?" Narinig kong tanong niya nang bigla na lamang akong tumayo.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon