Chapter Eighteen: Fallin

302K 4.9K 465
                                    

Chapter Eighteen: Fallin

<Muriel POV>

"Huy!" Hinampas ni Jena ng hawak nitong folder ang mesa ko. "Saan planeta ba naglalakbay 'yang isipan mo at parang hindi mo ako naririnig?"

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong habang nakatitig pa rin sa monitor ng computer ko.

"Ang sabi ko pinapapunta ka ni Sir Marvin sa office niya. Ayusin mo raw ung connection ng net niya."

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan? Alam mo naman ang local number ko diba?"

"Kanina pa kaya busy ang linya mo." Nang i-check niya ang telepono sa gilid ng mesa napansin niya na naka-hang iyon. "Kaya naman pala eh! Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang maistorbo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inabot ko ang telephone at nag-dial ng number.

"Roger, pasuyo naman. Pwede bang ikaw na lang ang mag-ayos ng connection ni Sir Marvin?... Thanks!" At saka ibinababa ang telepono at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ano bang nangyayari sayo at kaninang umaga ka pa matamlay?"

"Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kanya. 

Kahit naman ako ay nagtataka kung bakit tila wala akong energy nang araw na iyon. Hindi naman siguro ako magkakasakit. Wala lang talaga ako sa mood at pakiramdam ko ay tamad na tamad ako na parang mas gugustuhin ko pang matulog.

Namalayan ko na lang ang kamay ni Jena na nasa noo ko. "Wala ka namang lagnat? Hindi kaya..." May nalalaman pang pa-suspense ang bruha. Tumalim tuloy ang mga mata ko sa kanya.

"Gutom lang yan." Sabay tawa. Pagkatapos ay biglang naging seryoso ang mukha niya. "Seriously... may problema ka ba? Kilala kita Muriel. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema?"

Kahit naman may pagkaluka-luka si Jena ay maaasahan naman niya ito bilang tunay na kaibigan. "Wala akong problema. Gutom lang siguro ito."

Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Tell me, problema ba yan tungkol sa puso?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Bumalik ka na nga sa table mo, Jena. Wala kang mapapala sa akin. At saka nakakaistorbo ka na sa trabaho ko."

Umismid siya. "Ang KJ mo talaga!" 

Nagulat na lang ako nang may kung anong bagay siyang hinagis sa table ko. Skyflakes?

"Pagtiyagaan mo na lang. Pantawid gutom din iyan." Sabi pa niya bago siya tuluyang lumayo sa puwesto ko.

Nangingiti na pinagmasdan ko ang ibinigay niyang biscuit. 

"Hello girlfriend!"

Mabilis na nag-angat ako ng ulo para lamang makita ang nakangiting mukha ni Jared. 

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"  

Imbes na sagutin niya ako ay lalo lang lumapad ang ngiti niya. The jerk was really cute.

"I said what are you doing here?" Medjo hininahan ko ang boses ko nang mapansin ko na nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko.

Mayroon siyang inilapag na paperbag sa harapan ko. 

"Ano yan?" Kunot-noong tanong ko.

"See for yourself." 

Sa halip na kumilos ako ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now