Chapter - 27

208 45 32
                                    

Lucas

Napadali ang pag-uwi ko sa bahay dahil sa ibinalita ng isa kong tauhan. Nag-away raw sina Freya at Pauline sa may palayan. Kaya naman kahit hindi pa tapos ang trabaho ay iniwan ko sina Daniel sa kanluran upang puntahan ang dalawa. Sobrang dilim pa naman ng langit dahil sa paparating na bagyo. Ano kaya ang nangyari sa mga ito?

“Freya! Pauline!” tawag ko pagkababa ng kabayo. Pumasok ako sa kabahayan at nakita ko ang dalawa na kapwa nagulat sa aking pagdating, lalo na si Freya na halatang may ginawang kung ano.

“Anong nangyari sa inyo?” tanong ko na matiim ang tingin sa kanila.

“W-wala...” sagot ng kapatid. Nagtaka ako dahil sa pananahimik ng nobya. Bakas din sa mukha ni Pauline ang pag-iyak.

“Freya... May nakakita sa inyo sa palayan. Anong ginawa ninyo roon?” seryoso kong saad sa dalaga.

“K-kuya... Nanghuli lang naman kami ng palaka. ‘Di ba, Pauline?” untag pa nito sa isa.

Pero hindi umimik ang tinanong at dire-diretso itong umakyat ng hagdanan.

“Look what you’ve done!” asik ko sa bunsong kapatid.

“What? Malay ko ba na takot siya sa palaka? Alam mong paborito ko iyon. Pinagluto ko pa siya kay Yaya ng adobong palaka tapos—”.

“Ano?” gulat kong reaksyon. Natakot ang dalaga roon at umiwas ito ng tingin sa akin. Hinawakan ko naman siya sa isang braso.

“Lagyan mo ng limitasyon ang pang-aasar mo kay Pauline! Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo!” mariin kong wika. Nainis naman ito sa narinig at padabog na pumiksi.

“Bakit siya na ang kinakampihan mo ngayon, Kuya? Dahil ba girlfriend mo na siya kaya siya na ang papanigan mo?!”

Marahas akong huminga nang malalim. “Wala akong pinapanigan sa inyo. Bisita natin si Pauline at hindi tama ang ginawa mo.”

“Kuya, si Pauline iyon! Hindi iyon nagpapatalo. Bukas o mamaya lamang ay gaganti na ulit ang babaeng iyon. Nagpapapansin lang iyon sa iyo.”

“Freya!!” Nilangkapan ko na ng galit ang tinig kaya natahimik ito. “Girlfriend ko na nga si Pauline, kaya ngayon palang ay makipagkasundo kana sa kanya. Pagod na ako sa awayan ninyo!”

“Ayoko nga! I hate her!”

“Talaga? Ganyan ka na katigas ngayon at hindi mo na ako sinusunod. Akala ko ba gusto mo akong magka-girlfriend? Ngayong meron na ay bakit ganyan ka?”

“Kasi hindi naman si Pauline ang gusto ko para sa’yo, eh. Nandyan naman si Trisha, si Ate Juliet. Bakit si Pauline pa?” anito. Hindi ko inaasahan ang pag-iyak ng kapatid. But I wont buy that this time.

“I love her. So love her!”

PAGKATAPOS kausapin ang kapatid ay pinuntahan ko ang nobya sa kwarto nito. Naabutan ko siyang naggagayak ng mga damit.

“Aalis kana?” gulat kong tanong bago naupo sa gilid ng kama.

“Bago pa ako ma-stressed sa kapatid mo’y mas maiging umuwi na ako,” galit nitong sagot.

Hindi ba’t ako ang dapat ma-stressed sa kanila hindi siya? Tsk.

“Pauline, akala ko ba tatapusin mo ang bakasyon dito kasama ako?” masuyo kong wika na hinawakan ang isa niyang kamay. Medyo maputla ito ngayon sa tingin ko.

“Gustuhin ko man pero nakakainis na kasi si Freya. Alam niyang takot ako sa palaka pero pinakain niya ako no’n. Inis na inis ako at gusto ko siyang maging scare crow sa palayan!”

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon