Chapter - 19

231 46 27
                                    

Pauline

Nagkangitian kami ni Emma matapos marinig ang chime, tanda ng pagtatapos ng huling klase namin para sa semester na iyon.

Nagliligpit na kami ng gamit nang tawagin ko ang kaibigan.

“May ibibigay nga pala ako sa’yo,” sabi ko.

“Ano iyon?”

Kinuha ko ang regalo mula sa bag. Isa iyong mamahaling keychain na binili ko sa mall noong isang araw.

“Para sa iyo. Pares tayo,” saad ko pa na ipinakita ang sariling keychain sa wallet.

“Salamat, Pauline. Mami-miss kita. Medyo matagal ang bakasyon natin ngayon...”

“Oo nga, eh.”

“Paano, una na ako, ha? Maaga ang interview ko bukas para sa summer job ko, e,” anito.

Tumango naman ako st kumaway pa rito pag-alis. Nang mawala si Emma ay saka ko pinakawalan ang buntong-hininga. Pagkuwa’y tinawagan ko si Dale para sa isang video call.

“Palabas na si Emma,” sabi ko sa kababata.

“Okay, nakita ko na nga siya. Wait susundan ko,” anito.

“D-dale...” tawag ko.

“Ano?”

Matagal akong natahimik.

“W-wala. Sige sundan mo na.”

Ilang sandali ay nakita ko sa screen ang naglalakad na babae. Kitang-kita ko ang pagtigil nito sa tapat ng isang garbage can at itinapon ang regalong kabibigay ko pa lamang. Nabigla ako sa nakita at parang gusto kong maiyak ng sandaling iyon.

“Wala namang kahina-hinala. Nagtapon lang ng basura. Ano, susundan ko pa ba?” boses ni Dale na bahagya ko na lang narinig dahil sa bigat ng aking dibdib. Ilang sandali bago ako nakabawi.

“T-that was my gift to her. Tama ka, basura nga iyang itinapon niya...” mahina kong wika na ikinatahimik ng kausap.

MAGDAMAG kong iniyakan ang kataksilan ni Emma. Nasasaktan ako at nanghihinayang sa pagkakaibigan namin. Gusto kong konprontahing muli ang babae. Itanong dito kung ano ang nagawa ko para traydurin niya nang ganoon? Gusto kong malaman kung kailan nagsimula ang galit nito sa akin dahil sa tagal ng pagiging magkaibigan namin ay hindi ko man lang naramdamang may lihim siyang galit sa akin.

Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Mommy. Bakas ng pag-aalala ang mukha nito.

“Okay ka na ba, anak? Dalawang araw ka nang nangmumukmok dito. Sabi ng daddy mo’y tapos na ang parusa mo. Pwede ka nang mag-shopping...”

“I’m not okay, Mom. But don’t tell Dad about it.”

She sighed. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang buhok ko.

“Pauline, alam ko ang iniisip mo, pero ako na ang nagsasabi, walang mali sa’yo. May mga tao lang talagang hindi marunong maka-appreciate ng kabutihan ng iba,” anito na muling nagpamasa ng mga mata ko.

“Mom, I just don’t understand. Why Emma? I love her so much. Mas matatanggap ko pa kung si Freya iyon. Bakit si Emma pa?”

“Bakit hindi mo siya ulit kausapin?”

“I can’t do that. Alam kong matatakot siya kapag sinabi kong alam ko na ang lahat ng ginagawa niya. Natatakot siya para sa scholarship at hindi sa pagkakaibigan namin na sinira niya.”

Iiling-iling si Mommy.

“Kung hindi mo kayang harapin si Emma, then avoid her. Huwag mong lokohin ang sarili mo at huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa ibang tao. Marami ka pang pwedeng maging kaibigan. Isa pa’ y nariyan si Dale... Si Freya. Why don’t you give her a chance na maging friend siya?”

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now