Chapter - 13

204 46 30
                                    

Pauline

Sobra ang naging kasiyahan ko nang dumating si Kuya Yuan sa aking kaarawan. Iyon nga lang ay saglit lamang ang pananatili roon ng kapatid dahil may importante itong iniwang business sa Canada. Gayon pa man ay masaya ako dahil buo kami sa mahalagang okasyon na iyon. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng siglang humarap sa mga bisita.

Nang i-announce ang 18th dance ay niyaya ko na ulit si Dale sa labas. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa stage. Ngayon ay totoo na ang ngiti ko sa mga bisita. Namataan ko ang mga kaklase at schoolmate ko kaya kinawayan ko sila. Hinanap ko si Emma sa mga ito ngunit hindi ko nakita ang kaibigan. Imposibleng hindi ito um-attend dahil pinilit ko siyang mangako na pupunta siya sa party ko.

Mayamaya ay nabawasan ang ngiti ko nang mapasulyap kay Freya. Muntik na akong mapasimangot kung hindi ko lang napigil ang sarili. Talagang naglugay rin ito ng buhok. Tsk! Gaya-gaya ng hairstyle!

Kompleto ang mga kamag-anak ko mula kay Daddy maliban sa parents ni Trisha at mayroon ding pumunta mula sa side ni Mommy. Kanina ko pa win-elcome ang mga ito. Nakakapagod nga pero dahil birthday ko’y extra sweet ang peg ko ngayon. Excited na rin ako sa unlimited-shopping na regalo sa akin ni Daddy. Ngayon pa lang ay binibilang ko na sa utak ang mga bibilhin.

“Ang daya naman! Birthday ko rin pero mas marami kang natanggap na regalo,” bulong ni Dale habang magkatabi kaming nakaupo at hinihintay ang simula ng sayaw.

“Bumawi ka na lang sa 21st birthday mo. Sagot ko ang clown,” ngisi ko sa kababata. Muntik na akong mapahalakhak nang sumimangot ito. Ang cute ni Dale kapag napipikon. Namumula ang ilong nito at tumitirik ang mata na parang si chucky.

“Bakit ka nakatitig sa akin? Lalo tayong tutuksuhin niyan, e! Pagilan mo naman ang sarili mo, Pauline!” sabi pa ng binata na ikinalaglag ng panga ko. Pasimple ko tuloy siyang nakurot sa tagiliran.

Noon ko lang din napansin na panay ang panunukso ng mga kaklase namin. May ilan pa ngang sumisipol at iyong iba ay lantarang isinisigaw ang pangalan namin. Balewala naman sa amin iyon dahil hindi naman lingid sa parents namin ang pekeng relasyon namin.

Ilang sandali ay nagsimula na ang 18th dance. Ilan sa mga kaklase ang kinuha ko at halos lahat ay kamag-anak na namin tulad ni Xian, Xyren, Harry, at Aaron. Nang si Kuya Yuan na ang maka-partner ko ay natahimik ang paligid.

Dinig ko ang ilang mahihinang pagsinghap ng mga schoolmate ko, lalo na iyong iba na ngayon lang nakita ang kuya ko.

“My gosh, kapatid siya ni Pauline? Bakit napaka-masikreto ng hipag ko na iyan!” boses ni Ate Sheryl.

“Ang gwapo ng kuya ni Pauline. Sayang at sa America nakatira.”

“Happy birthday, my princess. Talagang dalaga ka na ngayon!” wika ni Kuya Yuan na parang walang naririnig o talagang wala itong pakialam? Sabagay, may love na kasi ito. Tsaka suplado ito hindi tulad ni Xyren.

“Salamat, Kuya. Nasa legal age na ako sa wakas!”

“Why? You seem excited sa legal age na iyan. Kahit naman mag-trenta ka ay walang mababago. Ikaw pa rin ang baby sister ko,” anito.

Iniba ko na ang topic at baka hindi ako makapagpigil ay maikwento ko sa kapatid ang tungkol sa lovelife ko. Close kasi kami at wala akong sikreto rito.

Kahit magkalayo kami ni Kuya ay siniguro namin na hindi kami magkaka-gap sa communication man lang. Nga lang, may mga personal na bagay pa lang mahirap ikwento kahit sa pinakamalapit na tao sa buhay mo.

Kung takot ako kay daddy ay mas kay Kuya Yuan. Lagi nitong sinasabi noon pa man na huwag akong magpapaligaw kung kani-kanino. Noon ay balewala lang iyon sa akin. Natutuwa pa nga ako sa over-protectiveness ng kapatid. Pero iba na ngayon. Natagpuan ko na si Mr. Right. Pagkatapos ng birthday ko ay ipahahanap ko ito sukdulang mag-hired pa ako ng private detective.

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon