Chapter - 23

257 53 40
                                    

Pauline

Lihim akong nagngingitngit habang nakatayo sa terasa ng villa, knowing that Juliet is with Lucas. Wala akong magawa kun’di magmukmok habang iniisip kung ano na kaya ang ginagawa ng dalawa?

Habang nakahalukipkip ay biglang bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Freya. Nakangisi ang bruha at halatang gusto ng away.

“Ang aga pa, Freya, ha,” irap ko rito. Wala ako sa mood na pansinin siya. Mas focus ako ngayon kay Juliet.

“Tsk. Itatanong ko lang naman sana kung alam mo na ang tungkol kay Ate Juliet?” anito.

“Huli kana sa balita. Kahapon ko pa nalaman.”

“Aisssh. Sayang, gusto ko sanang sa akin manggaling. Pero okay na rin. At least alam mo na kung ano ang mga tipong babae ng kuya ko.”

Nakapamay-awang akong humarap sa babae. “Ex na lang iyon. Kung tipo iyon ni Lucas, eh, ‘di sana’y hindi niya brin-eak.”

Nainis si Freya sa aking sinabi. Pero dahil bruha siya, hindi ito nagpatalo. “It seems to me na mahal pa siya ni Kuya. Kasi hindi na nag-girlfriend ulit ang kapatid ko mula no’ng mag-break sila, eh,” anito.

Inirapan ko ulit siya. “Eh, bakit hindi pa niya binabalikan kung ganoon?” Saka ako ngumisi nang nakakaloko. “Freya, ngayon pa lang ay pag-aralan mo nang tanggapin na magiging maghipag tayo. Don’t worry, I’ll take care of your brother. Pati haciendang ito ay mamahalin at aalagaan ko.”

“Ilusyunada!” anito saka nagpupuyos sa inis na umalis doon.

Huh! ‘kala niya!

PAGKABALIK ni Kuya Jeremy buhat sa kabilang hacienda ay dala na nito ang lahat ng bagahe namin ni Dale. Nagtaka pa ako nang hindi ito mag-usisa sa akin tungkol sa paglipat dito. Wish ko lang, hindi siya magsumbong kay Daddy.

Pumili ako ng pinakamagandang bestida na isusuot pagkatapos maligo. Gusto kong puntahan si Lucas kung nasaan man ito. Hindi ako basta tatayo na lang sa villa at maghihintay kung kailan sila magkakabalikan ni Juliet. Sabagay, malapit na ang tanghalian. Sana’y umuwi ang binata upang kumain para sasabay na lang ako sa kanya pagbalik doon.

Ilang sandali ay nasa banyo na ako at kasalukuyang ini-enjoy ang paliligo. Pakanta-kanta pa ako habang nagsa-shampoo ng buhok. Nagsasabon na ako ng mukha nang biglang matigilan. Wala na akong maramdamang tubig na pumapatak. Nakakapagtaka naman. Malakas ang tubig doon noong dumating kami.

Nakahinga ako nang maluwag nang may tumulo ulit subalit mayamaya lang ay nawala na naman ito. Kinabahan ako nang ilang sandali ay hindi na nagkaroon ng tubig sa dusta. Masakit na ang mga mata ko dahil puno ng bula ang aking mukha. Ni hindi ko pa nababanlawan ang buhok ko.

Tsk. Freya!!!

Pinupuno talaga ako ng babae. Ito lang naman ang pwedeng gumawa niyon.

Mangiyak-ngiyak ako sa inis matapos ibalot ng tuwalya ang mabulang katawan. Wala akong choice kun’di lumabas ng kwarto. Dire-diretso ako pagbaba ng hagdanan. Nakita ko agad si Freya na kausap ni Dale sa sala. Aba, at naroon na rin ang karibal kong si Juliet. Kausap ito ng dalawa at tila at home na at home.

Pero mamaya ko na ito papansinin. Uunahin ko muna si Freya. Sumusobra na ito, eh.

“Freya!” tawag ko sa babae. Lumingon silang tatlo sa akin at nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Dale.

“Pauline, ano’t naka-towel ka lang? Bold star ka na ba ngayon?”

Hindi ko pinansin ang binata at dumiretso sa katabi nitong babae. Hinila ko ang kulot na buhok ni Freya kaya agad itong tumili sa sakit.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now