Chapter - 29

193 47 30
                                    

Pauline

Wala akong tigil sa kalalakad pabalik-balik sa malawak na living room sa itaas ng mansyon habang kinakabahan sa maaring pinag-uusapan ngayon nina Daddy at Lucas. Pagkatapos kasi naming umamin kanina sa relasyon namin ay tinawag nito ang binata sa library para personal na kausapin. Natatakot akong baka masindak ang nobyo sa daddy ko. Paano kung tulad ni Kuya Yuan ay hadlangan din ng ama ang pakikipagrelasyon ko?

“Maupo ka nga. Ako ang nahihilo sa’yo, eh...” wika ni Mommy na prenteng nakaupo sa sofa.

“Mom, I swear, kapag humadlang si Daddy sa amin ni Lucas ay makikipagtanan ako!”

Hinila niya ang dulo ng aking buhok kaya napangiwi ako.

“Talagang may back up plan ka, ha. Maanong kumalma ka,” anito.

“How can I calm down? Nasa loob sila at hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan. Baka tinatakot na ni Daddy ang boyfriend ko!”

“Hala, ang OA mo.” Umakma itong mangungurot kaya umilag ako. “Ganoon ba ang tingin mo kay Lucas, ha? Mabilis masindak? Sintigas ng ulo ni Yuan ang batang iyon. Kung talagang takot siya sa daddy mo’y hindi ka niya papatulan.”

“Malay mo, My, nadala sa ganda ko?”

Natigilan ito at napahalumbaba. “Totoo rin naman iyan. Sabi ko sa’yo aamin din siya, eh. Pasalamat ka sa’kin...”

Ngumiwi ako sa ina. “Hindi ko ginawa ang payo mo, Mommy. Kusa siyang lumapit at nag-I love you sa akin.”

“Talaga?”

Pareho pa kaming kinilig saka nagyakap at muntik ko nang makalimutan na dapat nga pala akong kabahan sa pag-uusap nina Daddy at Lucas.

Pagkaraan ng kalahating oras ay sabay kaming napatingin ni Mommy nang bumukas ang pintuan ng library at lumabas doon ang binata.

“Lucas!” tawag ko sabay lapit dito. Si Mommy naman ay pumasok doon at isinara ang pinto. After that, inaya ko ang nobyo na maupo.

“Okay na, Pauline. Tanggap na ng daddy mo ang relasyon natin,” anito ngunit tingin ko ay madilim ang kanyang mukha.

“Anong sabi ni Daddy?”

“Wala naman. Kailangan ko na palang umalis ngayon. May emergency sa hacienda,” anito.

“Aalis kana agad? Hindi pa nga tayo nakakapag-usap,” labi ko.

Hinaplos naman niya ang kanan kong pisngi bago ngumiti sa akin. “Babalik din agad ako.”

“Promise?”

Tumango ito bago tumayo kaya tumayo na rin ako. Siya namang paglabas ng parents ko mula sa library. Nagtama ang mga mata nina Daddy at Lucas, pagkuwa’y magalang nang nagpaalam ang binata.

Lucas,

“Akala ko ba’y wala kang gusto sa anak ko? Bakit ngayon ay nagpunta ka rito para sabihing may relasyon na kayo? Napakabilis naman yata ng pagbabago ng isip mo...” wika ni Tito Paolo nang kausapin niya sa opisina nito sa mansyon.

“A-ang totoo’y mahal ko po ang anak ninyo. N-natakot lang ako noong una dahil napakabata pa niya...”

“Bata pa rin naman siya hanggang ngayon. Nagbago ba ang edad niya noong magtungo sa hacienda?” sarkastiko nitong saad.

“Tito, mutual ang nararamdaman namin. Huwag kayong mag-alala, handa akong maghintay hanggang makapagtapos siya ng pag-aaral,” panlulubag-loob ko rito.

Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa harapan ko. “Kumusta na ang hacienda ninyo?” bigla ay usisa ng lalaki.

“M-maayos naman po,” sagot ko na nagtataka.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now