Chapter - 12

316 48 35
                                    

Pauline

Hindi ko inaasahan ang madadatnan sa bahay pagkauwi ko galing school.

“Trisha!” masaya kong sambit bago kami tumitiling nagyakap nang mahigpit.

Anak ito ng isa sa mga pamangkin ni Daddy na nakatira sa Canada. Bata pa lang ay close na close na kaming dalawa kaya natutuwa akong makita ang dalaga.

“Pauline, grabe! Ang tangkad mo na!” anito nang magbitaw kami ng yakap.

“Sobrang ganda mo naman! Para kang super-model!”

“Mas maganda ka!”

“Pareho tayo para walang talo!” Nagyakap ulit kami.

Kasabay na namin ito nang maghapunan. Nang sabihin ko kay Dale ang pag-uwi ni Trisha ay agad na sumugod sa bahay ang kababata. Childhood crush kasi niya ito kaya ganoon. Nasa veranda kami at nagpapahangin kasama nina Mommy at Daddy nang dumating ang binata.

“Dale, ang tangkad mo na rin!”

“Macho at gwapo rin, Trisha. Pasado na ba ako sa taste mo?”

Bahagya kaming natawa sa narinig. Tumikhim naman si Daddy kaya bigla kaming natigilan.

“Boyfriend ka na ni Pauline pero nagpapa-cute ka pa kay Trisha,” komento nito.

“Boyfriend mo si Dale?!” gulat na reaksyon ng huli.

“W-well...Dad, Mom, break na kami!” bigla kong saad. Napamulagat naman ang mga ito. Maging si Dale ay nagulat sa aking sinabi.

“Break na agad, anak? Baka mapalo kita nang todo!” asik ni Mommy.

“Hindi kami compatible kaya ano pang silbi kung ituloy namin ang relasyon namin?” kibit-balikat ko.

“Pinagloloko n’yo ba ako?” biglang tayo ni Daddy. Napauklo tuloy si Dale sa kinauupuan nito.

“Joke lang, Dad!” bawi ko sabay kagat ng ibabang labi.

“Huwag n’yong gawing biro ang pakikipagrelasyon. Pauline, ayoko ng playgirl! At ikaw naman, Dale, huwag kong mababalitaan na niloloko mo lang ang anak ko!” pananakot pa ni Daddy sa binata.

“H-hindi po, Tito! Mahal na mahal ko po siya!” nakangiwing tugon ni Dale na may pagtaas pa ng dalawang kamay.

Tsk! Kaya ayoko ng mga tulad ni Dale. Ang gusto ko ay iyong kayang salubungin ang galit ng daddy ko. 

Ilang sandali ay iniwan na rin kaming tatlo ng parents ko. Saka lang kami nakahinga nang maluwag ni Dale.

“Ano bang problema? Bakit ngayon ko lang pati nalaman ang tungkol sa inyo, ha, Dale?” nakangiting wika ni Trisha.

Kumamot naman ako sa ulo. Hindi ko pwedeng sabihin dito ang totoo. Mahirap na! Kahit tiwala ako kay Trisha ay ayoko pa ring ipaalam dito ang tungkol kay Lucas. Nakakahiya! Isa pa ay pet ito ni Daddy.

“Bakit pala napaaga ang uwi mo? Sa susunod na linggo pa ang birthday ko a?” pag-iiba ko ng usapan.

“Ah, iyon ba? Balak ko kasing magbakasyon muna sa hacienda nina Freya. Inimbitahan ako ni Lucas,” sagot nito.

“L-lucas?”

“Kapatid niya.”

Napatango ako. Lucas nga pala ang pangalan ng kuya ni Freya. Para namang nanunukso ang pagkakataon. Bakit kapangalan pa ito ng lalaking pinipilit kong kalimutan ngayon?

Kilala ko ang kuya ni Freya base sa kwento ng mga magulang. Once ko lang ito na-meet at sobrang bata ko pa noon kaya hindi ko na matandaan ang hitsura nito.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now