Chapter - 06

208 47 33
                                    

Pauline

Masaya ang party ni Ate Jen at kahit nangako ako kay daddy na hindi titikim ng alak ay hindi ko nahindian ang mga tagay ng mga ito. Para akong nakawala sa loob ng aking hawla at tinikman ang lahat ng klase ng alak na naroon.

“Hey, kiddo, hinay-hinay lang muna, mahaba pa ang gabi...” awat sa akin ni Ate Jen.

“O-okay, Ate. Ang saya lang kasi ng party mo!” sabi ko.

“Just enjoy it, dear! We are all free tonight!” anito na ikinatili ko sa galak.

Ang saya lalo at hindi ko pa napapagkita ang pagmumukha ni Freya. Ayon sa mga naroroon ay may dinaanan pa raw ang babae kaya baka mamaya pang hating-gabi ito dumating. Mabuti na iyon para paalis na ako pagdating niya. Hanggang 12am lang kasi ang paalam ko kay Daddy.

Nang makaramdam ako ng panunubig ay nagpaalam ako kina Ate Jen na sasaglit sa CR sa baba. Sa 3rd floor kasi at ground floor lang daw may banyo kaya pinili ko ang ibaba.

Nag-offer ito na samahan ako pero tumanggi ako. Maraming bisita si Ate Jen at nakakahiyang magpaasikaso rito. Halos lahat naman ay kakilala ko rin kaya hindi ako masyadong naiilang. Iyon nga lang, may mga topic sila na hindi ko masyadong maunawaan kaya hindi rin ako makasabay sa usapan.

Mahilo-hilo na ako nang makarating sa banyo. Pagkatapos umihi ay nag-retouch ako ng make up.

Ganda mo talaga! sabi ko sa sarili sa salamin.

Kung kanina ay naiilang ako sa maikling suot, ngayon ay mas komportable na ako dahil sa nainom na alak.

Paglabas ko ng banyo ay muntik na akong mabunggo ng isang matangkad na lalaki.

“Ooops!”

Natigilan ako nang magtama ang aming paningin. Ito iyong nakita ko kanina na mag-isang umiinom sa counter. Nakakawindang mang aminin ngunit napakagwapo nito sa aking paningin. Patunay niyon ay ang malakas na pintig ng aking puso habang magkadaop ang aming paningin.

Ngunit ang mas ikinatigilan ko ay nang maamoy ang kanyang pabango.

Oh my God! Ito iyong naamoy ko sa school noong nakaraan. Grabe ang lakas ng dating.

“S-sorry...” nauutal kong sabi. Tumango ito at pagdaka’y dumiretso sa CR na panglalaki.

Napasandal naman ako sa pader at wala sa loob na hinawakan ang dibdib. Parang sasabog na kasi iyon sa lakas ng pintig. Magkahalo iyong kaba, tuwa at kilig ko ng mga oras na iyon.

Na-love at first sight ba ako sa binata?

Tsk! Hindi pwede! Paano iyong bilin ni Mommy? Saka kung susuriin ay halos kaedaran ito ni Kuya Yuan. Mas matured nga lang itong tingnan. Paano kung married na pala ito?

Gosh! Anong gagawin ko? Nakakapanibago sa feelings.

Ang totoo, kaya ko piniling mag-CR ay upang tingnan kung narito pa ang lalaki. Dahil talagang iba iyong naramdaman ko kaninang magkatitigan kami.

Ilang sandali ay napa-angat ako mula sa pagkakasandal nang makita itong lumabas ng banyo. Nataranta ako at mabilis na nagkunwaring nahihilo.

Gwapo ito, walang duda. Kasing tangkad ni Kuya Yuan, mapusyaw ang balat tulad ni Daddy at may mapupulang labi. Malitid ang braso at halatang kaka-shave lang ng bigote.

My typical man! I crush him na talaga!

Iyon nga lang, nilampasan lang ako ni crush. Akala ko pa naman ay babatiin niya ako ulit pero tila nakatuon sa cellphone ang atensyon nito.

“Where are you? Kanina pa ako rito!” narinig kong sabi niya sa kausap habang naglalakad.

I sighed. Taken na yata.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now