Prologue

553 65 66
                                    

“Mama!”

Sobrang bigat sa dibdib ko ang mga hikbi at hagulgol ng mga kapatid habang inihahatid namin si Mama sa huling hantungan nito. Magkasama na sila ni Daddy ngayon sa langit. Hindi na nito ginustong lumaban sa sakit niya at isang buwan lang ay bumitaw na rin agad ito.

Naiwan kaming tatlong magkakapatid sa hacienda. Si Camille ang panganay namin, matanda sa akin ng tatlong taon. Sinundan ko ito at ang bunso naman ay si Freya na labing dalawang taong gulang pa lamang ngayon. Sa aming tatlo ay ito ang pinakanahirapan sa pagpanaw ng aming ina. Ibinilin silang dalawa sa akin ni Mama bago ito mamatay. Ako ang lalaki kaya sa akin tiyak na mapupunta ang responsibilidad sa hacienda at sa mga kapatid ko.

Hanggang mawala ang mga taong nakipaglibing ay naroon pa rin kaming tatlo sa tapat ng puntod ng aming ina. Iyak pa rin nang iyak sina Camille at Freya. Ako naman ay seryoso lang ang mukha habang nakatitig sa mga ito. Naalala kong hindi pa pala ako umiiyak. Ewan ko ba pero sa sobrang bigat ng dibdib ko ay umurong na yata pati ang aking luha.

At Twenty years old ay naipon agad sa akin ang lahat ng responsibilidad. Ang tanong ko ngayon sa sarili ay kaya ko ba? Sabagay, may choice ba ako? Hindi ko maaring pabayaan ang mga kapatid lalong-lalo na si Freya. Ganoon din ang hacienda dahil pinaghirapan itong paunlarin ni Mama. Dito niya kami binuhay mula nang mawala si Daddy. Napamahal na rin sa akin ang mga tao rito kaya hindi ko maaatim na pabayaan ang hacienda.

“Lucas!” boses ng isang lalaki na tumapik sa aking balikat.

Paglingon ko ay nakita ko si Tito Paolo. Kaibigan ito ng aming ama. Kasama niya si Tita Yuna at ang bunso nilang anak na hindi ko tanda ang pangalan.

“Nakikiramay kami, Lucas,” umiiyak na wika ni Tita Yuna. Tumango lang ako at ibinalik na rin sa puntod ni Mama ang tingin.

Kilala ko ang pamilya Villanueva dahil nga kaibigan itong matalik ni Daddy. Pero mula nang manirahan kami sa Bicol ay madalang ko na silang mapagkita, mapwera na lang tuwing may importanteng okasyon na imbitado si Mama. Minsan kasi ay sumasama ako. Pero mas madalas akong magkulong sa hacienda. Bata pa lang ay tinuruan na ako ni Mama na pamahalaan iyon maging ang farm na siyang pinakasentro ng aming kabuhayan. Kaya nga Argriculture ang kinuha kong kurso upang mas mapangalagaan ito.

Kasama na namin ang mag-anak ni Tito Paolo pauwi sa hacienda. Mayroon din silang lupain katabi ng amin pero iba ang namamahala niyon dahil sa Maynila nakatira ang mga ito. Mayaman ang mga Villanueva at isa si Tito Paolo sa pinakasikat na arkitekto sa buong Asia. Maging sa ilang karatig na kontinente ay kilala rin ito. Alam ko iyon dahil lagi kong binabasa ang mga news tungkol dito at sa Villanueva Builders company.

Pagkarating sa bahay ay abala sina Aling Perla sa pag-aasikaso ng mga nakipaglibing. Gusto ko mang magpahinga na ay hindi maari dahil walang haharap sa mga ito. Si Camille ay nagkulong sa silid niya, si Freya naman ay patuloy pa ring umiiyak sa isang tabi. Nilapitan ko ito at inalo pero lalo lang lumakas ang hikbi nito.

Sina Tito Paolo ang huling umalis sa mga bisita. Nagpaalam ito sa akin at sinabi na babalik sila bukas. Alam ko na may mahalaga itong sasabihin. Kung wala ay bakit naman ito magtatagal sa Bicol gayong napakarami nitong inaasikaso sa Maynila? Para akong wala sa sarili sa nakalipas na mga oras.

Pagkaalis ng mga tao ay sobrang tahimik ng hacienda. Si Freya ay nakatulog na sa sofa habang umiiyak. Binuhat ko ito at ipinasok sa kanyang kwarto. Saka ako nagtungo sa aking silid upang mag-shower. Pagod at puyat nararamdaman ko ng mga sandaling iyon pero hindi ko magawang makatulog. Ang dami kong iniisip at isa na roon ay ang mga naiwang responsibilidad sa balikat ko.

Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame habang nakaunan ang ulo sa isang braso. Saka lang nag-sink in sa utak ko ang katotohanang wala na nga si Mama. Gusto kong iiyak ang lahat. Iyong takot, lungkot at pangungulila na nararamdaman ko.

Until I Get Over YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora