Chapter - 17

264 45 28
                                    

Pauline

Gusto kong magpapadyak habang bumababa ng hagdanan patungo sa dining room. Naghilamos lang ako ng mukha dahil para nga pala talaga akong naaagnas na manika dahil sa natunaw na make up kagabi.

Sa sobrang pag-iyak ay hindi ko na nagawang maglinis ng katawan kagabi. First time na nangyari iyon. Ikaw ba naman ang alisan ng black card, makukuha mo pa bang maglinis ng sarili?

Hindi pa ako handang harapin si Daddy kaya lang ay natatakot akong mapadapa nito. Pinakaayaw pa naman niya ay iyong magpapasuwal sa pagkain.

Kaya naman busangot ang mukha ko habang naglalakad. Hindi na ako nagsuklay dahil kulot naman ang buhok ko. Hindi na iyon mahahalata. Isa pa’y babalik din naman agad ako sa kwarto pagkakain. ‘Di ba nga’y grounded ako! At kasalanan iyon ni Freya. Humanda ito sa akin kapag naka-move on na ang daddy ko sa napanood.

Alam kaya ng babae na kapatid niya ang kahalikan ko nang gabing iyon? Syempre malamang hindi. Alangan namang ipahamak nito ang sariling kuya. Salamat na lang talaga at nakita siya ni Emma. Kung hindi ay ano na lang ang magiging reaksyon ng mga bisita kapag napanood iyon.

Nakakainis lang dahil kapatid ito ni Lucas. Kahit gustong-gusto ko itong sampalin ay hindi maaari. Bilang soon to be hipag ay kailangan ko itong makasundo. Pasalamat ito at may pogi siyang kuya.

“Pauline, dalian mo ngang maglakad. Para kang bibi sa bagal!” ani Mommy nang matanaw ako.

Ang alam ko ay pagong ang mabagal maglakad pero dahil si mommy ang nagsabi, alright, bibi na kung bibi.

Pagpasok ko sa dining table ay saka ko nalaman na may bisita pala kami. Nakatalikod ito sa pinto kaya hindi ko agad nakilala. Baka si Xyren. Madalas kasi ritong makitulog ang binata.

“Morning...” pigil ang simangot na bati ko sa mga magulang. Iniiwasan ko talaga na mapasulyap man lang sa ama.

“Morning,” tugon ng isang malagong na tinig. Mabilis akong nag-angat ng tingin nang makilala ang boses na iyon at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko’t bibig nang makita si Lucas.

Kung hindi ako nakakapit sa sandalan ng upuan ay tiyak na napahandusay ako sa sahig. Anong ginagawa rito ng lalaki?

“L-lucas?” sambit ko.

“May pinag-usapan kami tungkol sa VBC kaya maaga ko siyang pinabalik,” pagbibigay alam ni Dad subalit wala rito ang pansin ko, kun’di nasa binatang napakagwapo sa table namin. Pwede na itong isama sa mga putahing nakahain dahil yummy ito.

Tsk, Pauline...

“Kumain na tayo,” sabi ni Mommy kaya nabawi ko ang sarili. Iyon nga lang, nang maalala ang hitsura ay dagli kong nasuklay ang buhok gamit ang mga kamay.

Sh*t! Baka ma-turn of si Lucas sa hitsura ko ngayon.

Pinigilan ko ang pagnanais na bumalik sa itaas para magpalit ng damit. Baka magtaka sina Daddy, lalo na si Mommy na may pagkatsismosa pa naman. Tingin pa lang ay nababasa na nito ang lahat.

Kaya naman hindi ako nagpahalata habang kumakain kami. Nakayuko ako sa plato ngunit nasa binatang katabi ang tingin ko. Mahaba ang pilikmata ko kaya imposibleng mapansin ng magulang ang aking sinusulyapan.

Hays... What a fine man. Paano naging ganito kagwapo ang kapatid ni Freya na sa pagkakaalam ko’y malayong kamag-anak ni Tarzan. Naalala ko kasing Tarzan ang ipinangalan ko rito noon dahil palagi ito sa hacienda at madalang bumaba ng bundok. Bundok naman talaga ang lupain nila sa probinsya kaya nga ayaw ko roon. Pero ngayon ay parang mabibisita ko ang bayan ng aking ama.

“Psst. Pauline, bingot ka?” sita ni Mommy na ikinatingin ko rito.

“Ha?” maang ko.

“Ayusin mo nga iyang pagkain mo. Ang kalat mo!” anito.

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon