Chapter - 30

334 51 30
                                    

Pauline

Inihatid ako ni Lucas sa mansyon ngunit agad din itong nagpaalam matapos bumati kina Mommy at Daddy. Pagkaalis ng binata ay nilapitan ko ang mga magulang.

“Dad, bakit mo naman pinilit si Lucas na magtrabaho sa VBC?” may halong pambibintang na baling ko sa ama.

“Pauline, usapang negosyo iyan huwag kang makialam,” pigil naman sa akin ni Mommy pero hindi ko ito pinakinggan.

“Kinu-question mo ba ang desisyon ko? Isa pa’y hindi ko siya pinilit. Binigyan ko siya ng choice,” sabi naman ni Daddy.

“Choice? I doubt it.”

Pinandilatan ako ng mga mata ni Mommy. Sumeryoso naman ang mukha ni Dad kaya medyo kinabahan ako.

“Yuna, kulang yata sa palo ang bunso mo,” anito kay Mommy.

“Oh, Dad, dalaga na ako. Bakit papaluin n’yo pa?” Kulang na lang ay magdabog ako ng mga paa.

“Paolo, ako na ang bahala sa isang ito!” ani Mommy pagkuwa’y kinaladkad ako patungo sa kwarto ko.

Inis akong pumiksi pagdating doon.

“Umayos ka nga sa daddy mo. Hindi pa nga iyon nakaka-move on sa inyo ni Lucas tapos gano’n mo pa kakausapin?” kastigo ng ina.

“Mali naman kasi si Dad, Mom. He blackmailed my boyfriend.”

“Hindi iyon blackmailed. Tine-test lang niya kung gaano ka kamahal ni Lucas!”

Natigilan ako sa narinig at napatitig sa ina. “Test? What for?”

“Oo. Natural ikaw ang bunso niya. Sa tingin mo ba’y papayag ang daddy mo na basta ka na lang hayaang makipagrelasyon? Syempre aalamin muna niya kung tapat sa iyo ang lalaki. Isa pa kailangan ng VBC si Lucas. Maraming problema sa kompanya na hindi mo naiintidihan...”

I sighed. Nagpadalos-dalos ako ng pagsugod kay Dad. Hindi ko man lang inisip ang maaring dahilan nito. Unang beses na nagpakita ako ng kalapastanganan sa ama kaya na-guilty ako.

“Kailangan ng VBC si Lucas. Hangga’t hindi bumabalik ang kuya mo ay hindi siya pakakawalan ni Paolo. At ikaw, ngayong may boyfriend kana’y magpaka-matured ka.”

“Bakit ikaw, may asawa at anak na isip bata pa rin?” nakalabi kong tugon kaya kinurot ako ni Mommy sa tagiliran.

“Huwag na huwag mong isusuko ang Bataan hangga’t hindi kayo naiikasal,” dagdag pa nito.

“Bataan? Mom, taga-Makati ako, ‘di ba? Aanhin ko ang Bataan na iyan—”

“Pilosopa!” kurot ulit nito sa akin.

NANG gabing iyon ay sinadya kong puntahan si daddy sa office nito. Naabutan ko siyang subsob na naman sa trabaho. As usual... Guilty ako kanina kaya gusto kong mag-sorry rito.

“Dad...” naghahanap ng tiyempong tawag ko sa kaniya.

“Do you need something?” Nag-angat ito ng mukha sa akin. Naupo naman ako sa sofa na naroon.

“Sorry, Dad, kanina. I know you’re upset,” wika ko.

“No. I’m not,” anito. Tumayo at lumapit sa akin.

“Dad, I love Lucas. Sorry kung itinago ko sa inyo ang tungkol sa kanya. I’m just afraid na baka tulad ni Kuya—”

“I understand. But, Pauline, please... Huwag ka munang mag-aasawa. Hindi pa ako handang ipamigay ka.”

Natawa ako sa sinabi ng ama. “Promise, Dad, magtatapos muna ako ng pag-aaral. Saka iyon din ang gusto ni Lucas. Actually, marami kayong similarities lalo na sa pamantayan sa buhay,” saad ko.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now