Chapter - 08

266 46 38
                                    

Pauline

Para akong nakalutang sa ulap habang hawak ni Lucas ang isa kong kamay at sabay kaming naglalakad patungo sa pinto ng parking lot ng bar.

Natigilan lamang ako nang tila may mamataang kakilala sa madilim na parte. Napalingon tuloy ang binata sa akin nang bigla akong mapahinto.

“Change of mind?” nakangising tanong niya sa akin. Bakit parang mas gumuwapo ito sa paningin ko ngayon? Dala ba ng alak o talagang napasobra ang tama ko rito?

“N-no. M-may nakita lang ako, akala ko’y kakilala ko.”

“Sino?”

“Wala... Halika na!” yaya ko sa lalaki nang muling sumulyap doon at mabatid na wala nang naroon.

Akala ko kasi ay nakita ko si Emma. Napakaimposoble naman niyon. Hindi nito hilig ang night life at focus masyado sa pag-aaral. Baka nga nasa library pa ito hanggang ngayon.

Sa parking area kami humantong at pagkuwa’y may binuksan itong kulay itim na kotse. Medyo luma na ang sasakyan pero hindi ko na iyon pinansin. Na kay Lucas at sa magkadaop naming kamay ang buong atensyon ko.

Ang aga kong na-in love! Kahit bata pa ay sigurado akong totoo ang nararamdaman ko.

“So?...” usal nito pagkaupo namin sa loob.

“Ha?” maang kong tugon. Bigla akong nilamig nang buhayin niya ang aircon. Naiyakap ko tuloy ang dalawang braso sa sarili. Nilalamon ako ng alak at ng feelings ko sa binata kaya pati control ay hindi ko na magawa.

“Do you know why we’re here?”

“W-why?”

Narinig ko ang maikling tawa ni Lucas. Pero bakit nga ba? Hindi ba at magpapahulas lang kami ng ininom?

Syempre ka-ipokritahan iyon. Naibulong na sa akin ni Dale ang maaring maganap sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ko lang alam kung papaano sinisimulan iyon.

“Are you that innocent?” sabi pa nito na ikinamaang ko.

“O-of course not!” mabilis kong saad. “We’re here to make out, ‘d-di ba?” buong tapang kong dugtong.

Gusto ko tuloy mapahiya nang matigagal ito. Wala sa loob na nilaro ko ang daliring nakapatong sa aking hita. Ganoon ako kapag nauubusan ng salita.

Ang hirap palang maging babae. Hindi mo maipahayang nang malaya ang nararamdaman mo. Kailangan mo pang hintayin ang lalaki kahit gusto mo nang makipaghalikan.

Hindi ako perv ha! I’m just curious. Lahat ng kakilala ko ay may first kiss na, ako na lang ang wala kaya gusto ko nang maka-experience.

“Nakikipag-make out ka?” tila disgustadong tanong ng lalaki.

Baka iniisip nitong flirt ako!

“K-kung sa iyo—oo!” I answered and seductively smile at him.

Pagak na tumawa si Lucas. Ngunit kapuna-puna ang sunod-sunod nitong paglunok. Ilang saglit ay umayos ito ng upo at mariing hinawakan ang manibela.

“T-turn off ba?” kagat-labi kong untag sa kanya.

Nilingon niya ako saka huminga nang malalim. “Dapat...” he answered. “You know what? I don’t like making out inside this d*mn car with a lady I just met,” he sighed once again. “But I want you...”

Nanlaki ang mga mata ko sa huli nitong sinabi. Gusto rin ba ako ni Lucas? Sabagay, sa ganda kong ito ay imposibleng hindi siya ma-in love sa akin.

“L-lucas...” sambit ko nang titigan niya.

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon