Chapter - 25

309 47 36
                                    

Paolo

“Tumawag si Dale. Pabalik na raw sila sa bahay bukas,” imporma ko kay Yuna na noon ay kasalukuyang nag-aaral mag-yoga. Lihim akong napapangiwi sa ginagawa ng asawa subalit hindi ko naman ito pwedeng pigilan sa gustong gawin at tiyak na susumpungin ito.

Itinigil nito ang ginagawa saka nag-aalalang lumapit sa akin. “Agad-agad? Ano kayang nangyari?”

“Malay ko,”  kibit-balikat kong sagot.

“Hindi kinagat ni Lucas ang plano mo? Tinanggihan niya si Pauline. Ang engot naman ng batang iyon.”

“I told you, matigas ang isang iyon. Parang si Yuan din,” naiiling kong wika.

Kinuha naman ni Yuna ang hula hoop at napaatras ako nang muntik nang tamaan niyon.

“Sweetheart, ako ang napapagod sa ginagawa mo, eh.”

“Ano bang ginagawa ko? Nag-e-exercise lang naman ako,” labi nito.

Iyon na lang yata ang ginawa nito mula nang magpunta kami roon.

“Bakit ‘di mo i-comfort ang bunso natin? Mas mag-oopen iyon sa’yo dahil babae ka,” suhestiyon ko.

“Naku, kaya na iyon ni Pauline.”

“Bakit parang masaya ka pa riyan?”

Tumigil naman ito sa ginagawa at namay-awang sa akin. “Sinong may sabing masaya ako? Tingnan mo, Paolo. Sad girl ako ngayon! Oh, oh,” turo pa nito sa mukha.

“Girl? Girl ka pa nang lagay na iyan?” pang-aasar ko naman dito bago bumalik sa kama at hinarap ang laptop.

“Oh, eh, ‘di sad old woman. Saya mo, eh, ‘no?”

“Tsk,” iling ko. Pagkuwa’y naisip si Lucas. Ayokong idagdag ito sa problema ko pero wala nang oras. Kinukulit na ako ng board kung kailan darating sa VBC ang binata. Kung sana’y narito si Yuan, wala sana akong problema ngayon.

Pauline.

Gayak na ang lahat ng gamit ko sa maleta nang tumawag sa akin si Mommy. Hindi ko naitago ang lungkot sa boses habang kausap ito.

“Ano bang nangyari? Bakit babalik na agad kayo ni Dale? Ang haba pa ng bakasyon n’yo ah?” anito.

“Mom, kasi...”

Ayoko sanang ipaalam sa ina ang totoo. Kaya lang ay hindi ko na kaya ang paninikip ng dibdib sa tuwing maaalala si Lucas. Kailangan ko ng comfort ng ina.

“Pauline, hoy!”

“Mom, may sasabihin ako sa’yo but promise me na hindi mo itsitsismis lalo na kay Daddy.”

“Oo naman. Ano ba iyon?”

I sighed bago naupo sa kama. “Punta ka muna sa banyo para sure akong hindi niya maririnig,” hiling ko pa.

Matapos iyong gawin ng ina ay saka ko ikwinento rito ang totoo. As usual, OA ang reaction nito pero kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.

“Tinanggihan ka ni Lucas? Sa ganda mong iyan!” the ever so proud mother of mine said.

“Yes, Mom. Iyon nga rin ang ikinapuputok ng butse ko, eh. Kailangan ko nang mag-move on kaya inaya ko na sina Dale pauwi.”

Narinig ko ang pag-tsk ng ina kaya kumunot ang aking noo.

“Anak, ang lagay ay ganoon na lang iyon?”

“What do you mean, Mom?”

“Tuturuan kita ng technique kung paano mapapaamin ang lalaking tulad ni Lucas. Pero i-promise mo rin na hindi ito malalaman ng daddy mo. Kilala mo naman iyon...”

Until I Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon