Chapter 31: First Heartbreak

777 30 0
                                    

CHAPTER 31: First Heartbreak

Crystal's P.O.V.

"Crystal?"

"Haru? What are you doing here?" puno ng pagtatakang tanong ko.

"Actually, I wanna ask you the same question. What are you doing here?" pagbabalik niya ng tanong.

"I'm here-"

"Leigh!" Napalingon ako nang biglang may tumawag sa akin. "Mabuti naman at nandito ka na!" Niyakap ako ni Akira at malapad na ngumiti.

"So, you know each other?" Haru interrupted.

"Nande?" Why? Akira asked him. "Wait... Magkakilala rin kayo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa amin pareho.

"Yeah. Actually, we've met many times before," Haru replied. Habang ako ay salitan lang silang tinitingnan. Pilit kong pino-proseso sa utak ko kung anong nangyayari.

"Hontou?" Really? Akira's face is full of amazement. "This is great! What a small world!"

"Ahm..." I stared at Haru. Oo nga pala. He's a Japanese, and so Akira. Kaya hindi malabong magkakilala silang dalawa. Naalala ko no'ng sinabi sa akin ni Haru na may pamilya rin siya rito. Meaning to say, ang tinutukoy niya ay sina Akira. "Kung gano'n... related kayo sa isa't isa?" mangha kong tanong. Kaano-ano kaya sila nina Akira? Wala namang nabanggit sa akin si Akira noon na may kapatid silang lalaki. Baka magpinsan sila.

"Yes," Haru answered as he nodded.

"Magpinsan siguro kayo," confident kong saad.

"Uun," No, tanggi niya. "She's actually my fiancée."

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ko. "Nani?" What? gulat kong tanong. "Nante itta?" What did you say?

Did I hear him wrong?

"Akira is my fiancée," he retorted.

Halos manghina ang mga tuhod ko. Paano nangyari 'yon? Hindi sila magkamag-anak... Kasi may relasyon silang dalawa?

I looked at Akira. Nakayuko lamang siya at nanatiling walang imik. Hindi ako makapaniwala. May fiancé na si Akira? Bakit? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol dito?

"Doushitano?" What's wrong? Haru asked so I turned my eyes at him. He seems clueless. But I'm more clueless and surprised.

I shook my head. "Nothing. Anyway, I-I'll just go check my friends if they're already here. See yah," paalam ko sa kanila at umalis.

Muntikan pa akong matapilok dahil wala ako sa sarili. Gulat pa rin ako sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala. She already has a fiancé. And I know nothing about it.

"Crystal!" Nabalik lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang pangalan ko. It was Remi who called me. "Grabe! Ang daming tao!" excited niyang bulalas. "Teka, are you okay? Parang wala ka yata sa sarili?" usisa niya. Napansin pala niya.

"Uhh... Remi, puwede bang pakibigay na lang nito kay Asami?" Ibinigay ko sa kaniya 'yong paper bag na siyang regalo ko sana para kay Asami.

"Ha? Bakit? Bakit ako pa ang magbibigay?"

"Kailangan ko na kasing umalis. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko, e," I reasoned out. "Please, Remi?" I begged.

"O-Okay. Sayang naman kung aalis ka. Hindi pa nagsisimula ang party," aniya sa malungkot na tono. "Masama ba talaga ang pakiramdam mo?"

Tumango-tango ako. "Oo, eh."

"Hays. Sayang. Pero nagpaalam ka na ba kina Akira?"

Bahagyang may kumurot sa puso ko nang banggitin niya ang pangalan ni Akira. "Hindi pa. Pero saka ko na lang sasabihin sa kaniya. Sobrang sama na kasi talaga ng pakiramdam ko. Sige, ha? Aalis na ako."

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now