Chapter 05: Home

1.6K 56 0
                                    

CHAPTER 05: Home

Crystal Leigh's P.O.V.

Maaga akong nagising at agad na nag-shower. Weekend ngayon at naisip kong bisitahin sina Mommy at Daddy. Hindi ko man lang namalayan ang paglipas ng araw at weekend na agad. Hindi na ako nag-breakfast dahil balak ko doon na lang sa bahay namin. Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng condo. Sumakay ako ng elevator at mabuti na lamang wala akong kasabay kaya naman naging madali para sa akin ang pagbaba ko.

Pumunta ako sa bus station at sumakay. Umupo ako sa katabi ng bintana para mas matatanaw ko ang nasa labas. Sa gitna ng biyahe ay nakikita ko sa labas ang mga batang wala pang muwang kasama ang mga magulang nila. Napangiti ako. The trip was still a bit far so I put an earphones in my ears. I closed my eyes as I was listening to music. When suddenly I felt someone sat next to me.

"Miss?... Hey, Miss?"

I was surprised when suddenly someone touched me which caused my eyes to open.

"What the heck?!" asik ko sa lalaking katabi ko. Pasimple akong tumingin sa paligid at nakuha ko na pala ang atensiyon nila.

"S-Sorry... Gusto ko lang sana na makipagkilala?" saad ng lalaking katabi ko na wari'y nahihiya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inismiran. Hindi ko siya pinansin. Binaling ko na lang ang tingin ko sa bintana. Nakarinig naman ako ng mahihinang hagikhik sa paligid.

Mayamaya lang ay bumaba na rin 'yong lalaki na katabi ko kaya nakahinga ako nang maluwag. I'm just really uncomfortable with them, hays...

Mga ilang minuto ang lumipas ay bumaba na rin ako at agad na pumara ng taxi. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay napangiti ako. Namiss ko 'tong bahay namin.

"Good morning po!" bati ko ro'n sa guard namin.

"Good morning po, ma'am!"

Pinagbuksan niya ako ng gate at pumasok na ako sa loob. Sinalubong naman ako no'ng isa sa mga maids namin.

"Where's Mom and Dad?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa loob po sila," nakangiti niyang sagot kaya naman nginitian ko rin siya pabalik. Excited na hinanap ng mga mata ko ang mga magulang ko. Ang parents kong ilang linggo ko na rin hindi nakikita at nakakasama.

Then, I saw them sitting on the couch. Looks like they're talking about something serious. I smiled widely as I ran to them.

"Mom! Dad!"

Napatingin sila sa gawi ko dahil sa sigaw ko.

"Crystal!" Sinalubong ako ng yakap ni Mommy at gano'n din naman si Daddy.

"How are you?" tanong ni Mommy nang umupo ako sa gitna nila.

"I'm fine, Mom." I just gave her my sweetest smile.

"I really missed you, anak." Muli na naman akong niyakap ni Mommy. I really missed her hugs.

"Bakit hindi ka man lang tumawag na uuwi ka? Sana napasundo kita," sabi ni Dad na bakas din ang tuwa sa mukha.

"I just want to surprise you."

Ngumiti si Dad sa 'kin at hinawakan ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko.

"Dad!" reklamo ko. I heard him chuckle. "Mom! Si Dad!" sumbong ko kay Mommy na siyang natawa lang din sa amin.

"Hayaan mo na, anak. Your dad just missed you..."

I just pouted nang muli na namang ginulo ni Daddy ang buhok ko. "Dad!" Tumakbo siya kaya naman hinabol ko siya agad.

"Hey! The two of you, stop that!" saway sa amin ni Mommy na natatawa na rin sa pagiging isip bata ni Daddy.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon