Chapter 23: First Time

1K 37 0
                                    

CHAPTER 23: First Time

Remi's P.O.V.

Tahimik at tulala lang akong sumasabay na maglakad sa mga kaibigan ko nang biglang magsalita si Crystal. "Remi, are you okay?"

Agad akong napatingin sa kaniya at pansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya. I nod as I smiled slightly. "Yeah. I'm okay."

"Are you sure? Kanina ko pa kasi napapansin na ang tahimik mo. Tell me, may problema ka ba?" She doesn't seemed convinced.

I let out a deep breath. "Of course, I am. I mean, I'm okay." I faked a laugh.

"Okay," nasabi lang niya at ipinako ang tingin sa nilalakaran namin. Bigla ko naman naalala na susunduin nga pala ako ng mga kuya ko ngayon.

"Guys, gusto n'yo bang ihatid ko na kayo? Susunduin kasi ako ng mga kuya ko and puwede kayong sumabay sa akin," yaya ko sa kanilang dalawa, may halong excitement sa boses ko.

"Really? Your brothers... they're really sweet as to how they are treating you," Crystal commented.

"Tsk. I always tell them not to, but they keep on treating me like a baby!" I whined.

"Why? You're still a baby, though." They both chuckled as Crystal said that.

"I'm pissed off!" I glared at them both.

"Come on, Remi. You're too lucky to have brothers like them. You don't know how many girls out there wish to have brothers like yours. You should feel blessed," Crystal said smiling. And yeah, she's right.

"Yah, I know. So ano? Sasabay na ba kayo sa amin?" tanong ko, pagbabalik sa usapan namin kanina.

"Sure!" Crystal suddenly nod kaya napangiti ako. Binaling ko naman ang tingin ko kay Molly.

"Molly?"

"I'm sorry, girls. But my mom is also gonna fetch me," she answered.

"Oh, a mother and daughter bond?" I asked.

"Maybe," she replied unsure. Nakaramdam naman ako ng kaunting inggit nang bigla kong maalala si Mommy.

"It's okay! Nandito naman ako," singit ni Crystal at inakbayan ako. Naglakad na kami palabas ng school at nagpaalam agad si Molly nang makita niya na ang kotse ng mommy niya. Iginala ko naman ang mga mata ko at sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang kotse ng kuya ko.

Naglakad ako palapit doon at sumunod naman sa akin si Crystal. Nakasandal si Kuya Renz sa kotse habang naka-krus ang mga braso. "Hi, Kuya!" bati ko sa kaniya. He smiles at me but a shock expression replaced it immediately.

"Hi!" nakangiting bati naman sa kaniya ni Crystal.

"H-Hi..." Kuya Renz gretted back in a shy tone.

"By the way, sasabay pala si Crystal sa atin, okay lang ba?" tanong ko kay Kuya.

"Sure!" Mabilis niyang sagot na may kasamang pagtango kaya lumapad ang ngiti ko.

"Great!" Hinawakan ko ang kamay ni Crystal at nagtungo kami sa back seat. Yumuko ako para silipin ang bintana ng kotse at nakita ko si Kuya Resty na nakasandal sa upuan habang nakapikit ang mga mata. "Hey! Kuya!" Kinatok ko ang bintana dahilan para imulat niya ang mga mata niya. Bahagya naman siyang napangiti nang makita niya ako.

Binuksan niya ang pinto. "How's school-" Bigla siyang natigilan at nanlaki ang mga mata nang makita niya si Crystal sa likuran ko. Muntik na akong matawa sa naging reaksiyon niya, but I contain it.

"Isasabay ko sana si Crystal, kung okay lang?"

"A-Ahh, yeah sure." Hays, nakita niya lang si Crystal nataranta na siya.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now