Chapter 07: Weird

1.3K 60 3
                                    

CHAPTER 07: Weird

Crystal Leigh's P.O.V.

Pagdating ko ng room ay marami na ang mga classmates kong nandoon. Bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.

"Hi, Crystal!" bati sa akin ni Gia at kinawayan ako.

"Hello!" I waved back at her.

Tunapunan ko naman ng tingin sina Molly at Remi na kasalukuyang nakatingin kay Gia. Nakataas ang kilay ni Remi while Molly is glaring at her... Huh? Bakit naman sila ganyan kay Gia? Dahil ba sa binati niya ako?

Umupo ako sa seat ko at sinulyapan si Akira na biglang umiwas ng tingin. Huh? Bakit kaya? Mayamaya lang ay dumating na ang teacher namin sa oras na ito.

"Okay, class! Open your book on page 43."

I took my book out then opened page 43, like what our teacher said. Nakikinig lang kami ng discussion nang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanan ko at nahuli kong tinititigan ako ni Akira. Bahagya naman siyang nagulat at biglang umiwas ng tingin saka nag-focus sa libro niya.

May problema ba siya?

Natapos ang unang subject. Mabilis rin na natapos ang mga sumunod pa naming subjects para sa umangang ito.

Pumunta kami ng cafeteria at um-order ng pagkain. Katabi ko sa kanan si Molly habang nasa tapat naman namin sina Akira at Remi. Habang kumakain ay napapansin ko ang madalas na pagsulyap sa akin ni Akira. I looked at her, but like what she did earlier she just avoid my gaze.

"Akira..." banggit ko sa pangalan niya.

She looked at me in a shock state. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng mini-skirt ko at pinunasan ang gilid ng labi niya. Ang kaninang gulat niyang mukha ay mas lalo pang nagulat dahil sa ginawa ko. Kahit sina Molly at Remi ay napako ang atensiyon sa amin.

"May sauce kasi sa gilid ng labi mo," I said smiling at her.

"Ahh. G-Gano'n ba? S-Salamat..." nauutal pang usal niya at yumuko.

I just smiled at ibinalik sa bulsa ko ang panyo ko. "Let's eat?" turan ko kina Molly at Remi saka nagpatuloy sa pagkain.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami agad sa classroom. Sina Remi at Molly ay nakikinig lang ng music. Si Akira ay nagbabasa ng libro at ako naman ay nilalaro ang pen ko sa mga kamay ko habang hinihintay namin ang pagdating ng teacher.

Nang dumating na siya ay nag-discuss lang siya ng mga ilang topics nang biglang bumibigat na naman ang mga talukap ko. Inaantok ako... Ipinatong ko ang ulo ko sa desk ko. Iidlip muna ako.

-

Akira's P.O.V.

Habang nagdi-discuss si ma'am sa harap ay biglang sumagi sa isip ko 'yong nangyari kanina sa canteen no'ng biglang pinunasan ni Leigh ang gilid ng labi ko.

"May sauce kasi sa gilid ng labi mo," she said smiling.

I was distracted the way she smiled...

"Ahh, g-gano'n ba? S-Salamat..." nautal pa ako, aish.

Iniling-iling ko ang ulo ko nang muli ko na namang naalala 'yong mga ngiti niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. From this morning, it's like her presence has something that results in having a big impact on me that I can't resist.

I can't help but took a glimpse on her. At gano'n na lamang ako kung magulat kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya. Kaya naman dagli akong umiiwas sa mga titig niya.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now