Chapter 16: Invitation Card

830 42 1
                                    

CHAPTER 16: Invitation Card

Crystal Leigh's P.O.V.

Matapos naming mag-lunch ni Akira ay nagtungo ako sa rooftop ng building namin. Pakiramdam ko kasi ngayon ay gusto kong mapag-isa. Nalulungkot ako dahil sa mga sinabi ni Remi kahapon. Hindi ko naman din magawang iwasan si Akira dahil para sa akin ay mahalaga na rin siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Nakaupo ako ngayon sa sahig at nakasandal ang likod sa pader ng rooftop. Nag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Hindi ko rin naman puwedeng hayaan na maging ganito na lang ang sitwasyon. Sila lang ang naging kaibigan ko kaya hindi ko hahayaan na masira ang pagiging magkaibigan namin.

Biglang nag-vibrate ang phone na hawak ko at nang tingnan ko ito ay may mensahe mula kay Akira.

Nikoniko:
Where are you?

After kong mabasa iyong text niya ay hindi ko siya ni-replay-an at pinatay na lang ang phone ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lumipas ang oras.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagtunog ng bell kaya bumalik na ako sa classroom. Nakatungo lang ako habang papunta sa upuan ko. Umayos ako ng upo at binuklat ang libro na nasa desk ko. Napansin ko naman ang isang maliit na envelope na naka-ipit dito. Kinuha ko iyon at tinitigan.

Ano naman kaya 'to?

Binuksan ko iyon at kinuha ang isang card na nasa loob no'n.

Invitation card?

Nang mabasa ko ang buong detalye na nasa invitation card ay natigilan ako at napatingin sa gawi ni Remi.

Biglang dumating ang teacher namin kaya naman inilagay ko sa ilalim ng desk ko 'yong card. Hindi ko naiwasan at palihim akong ngumiti.

Nang matapos ang half class namin for this afternoon ay mabilis na inayos ko ang mga gamit ko. Kinuha ko ang invitation card na inilagay ko sa ilalim ng desk ko.

"Remi!" tawag ko sa kaniya na kakatayo lang din at paalis na. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin.

"Why?" she asked.

"Ahm... Sa 'yo ba galing 'to?" Pinakita ko sa kaniya iyong card na hawak ko. Tiningnan niya iyon at marahan na tumango.

"Don't tell me nakalimutan mo ang birthday ko?" nakataas ang kilay na tanong niya kaya mabilis kong iniling-iling ang ulo ko.

"Hindi, 'no!"

Totoong hindi ko nakalimutan ang birthday niya. Actually, iyon nga ang dahilan kung bakit nag-iisip ako kung ano bang dapat kong gawin dahil hindi puwedeng hindi kami okay sa araw ng birthday niya.

"Mabuti. Ang akala ko pati birthday ko nakalimutan mo na."

"Ano ka ba? Hindi ko magagawa 'yon, 'no."

"Dapat lang, 'no."

Maluha-luhang tumingin ako sakaniya. "Ibig bang sabihin nito... H-Hindi ka na galit sa akin?"

Sandali siyang natigilan at ngumiti. "Hindi naman kasi puwedeng wala ka sa birthday ko." Tumingin siya sa ibang direksiyon.

Dahil sa tuwa ay niyakap ko siya. "Thank you, Remi!" I exclaimed.

"C-Crystal, h-hindi ako makahinga..." Marahan niya akong itinutulak. Masyado kasing napahigpit ang yakap ko. Sobrang natutuwa kasi talaga ako, e!

"Pasensiya na." Kumalas na ako ng yakap.

"Hays, mabuti naman at okay na ulit tayo," nakangiting turan ni Molly na ngayon ay naka-krus ang mga braso sa dibdib niya.

"Gusto kong mag-mall ngayon, sasama ka ba?" tanong sa akin ni Remi.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now