Chapter 20: Hope

749 35 0
                                    

CHAPTER 20: Hope

Remi's P.O.V.

Kalalabas ko lang ng banyo nang mapansin kong nag-pop-up iyong phone ko na nasa study table. Kinuha ko iyon at tiningnan.

May text pala si Molly.

Molly:
Kumusta 'yong braso mo?

Sinulyapan ko naman 'yong kanang braso kong may benda.

Me:
It's fine now.
Don't worry.

Matapos ko siyang reply-an ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa sala. Naabutan ko naman si Kuya Resty na nakaupo sa sofa habang nakatapat sa laptop niya. Umupo ako sa tapat niya at mukhang hindi niya ako napansin.

"Where's Dad?" tanong ko.

"He's still in the office," he replied without even looking at me. "How's school?" tanong niya na hindi pa rin tumitingin sa akin at busy pa rin sa laptop niya.

"Okay naman," I answered.

"Wala pa rin si Dad?" Napatingin naman ako kay Kuya Renz na kabababa lang mula sa hagdan.

"As you can see he's still not here," I retorted sarcastically. Umupo naman siya sa kaliwa ko at ginulo ang buhok ko. "Hayst! Kuya, ano ba?!" reklamo ko at inayos ko ang buhok ko. Bigla ko tuloy naalala si Crystal.

Kumusta na kaya siya?

Kinuha ni Kuya Renz ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya at nag-scroll lang. Habang ako naman ay nakaupo lang habang hinihintay ang pag-uwi ni Daddy.

Mayamaya pa ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan. Mukhang nandiyan na sila. Pumasok si Daddy kasama si Kuya Rex.

"Dad!" Sinalubong ko naman siya ng yakap.

"Oww, my dear daughter..." He hugs me back.

"Ako? Walang yakap?" tanong naman ni Kuya Rex na nakabuka ang mga braso. Pinandilatan ko lang siya ng mata dahilan para matawa 'yong dalawa kong kuya na nakaupo sa sofa pati na rin si Daddy.

"It's fine, son." Natatawang tinapik naman ni Dad ang balikat niya. Kuya Rex just sighed.

Umupo kaming tatlo sa couch.

"What happened to your arm?" tanong ni Kuya Rex kaya napalingon si Daddy at ang dalawa ko pang kuya sa braso kong may benda.

"Ahh... Wala 'to. Natamaan lang kanina habang naglalaro kami ng volleyball."

"Are you alright?" si Kuya Resty na ngayon ay nililigpit na ang laptop niya.

"Yes, I'm alright." Nginitian ko siya bilang senyales na okay lang ako.

"You should be careful next time, okay?" Dad said and I just nod at him. "Magbibihis lang ako then magdi-dinner na tayo." Tumayo siya at umakyat na ng hagdan. Sumunod naman sa kaniya si Kuya Rex.

"By the way, how's Crystal?" biglang tanong ni Kuya Resty na siyang ikinataas ng kilay ko.

"Bakit mo biglang natanong si Crystal?" Makahulugan ko siyang tinitigan. Kahit si Kuya Renz ay nakatitig na rin sa kaniya ngayon.

"Ahm... W-Wala lang... I-It's just that... Uh... Of course, she's your friend kaya n-natanong ko..." utal-utal na palusot niya.

Sandali ko pa siyang tinitigan at napansin kong hindi siya makatingin sa akin. This is unusual. Ngayon lang siya nagtanong tungkol sa babae.

"Are you interested in her?" seryosong tanong naman ni Kuya Renz sa kaniya.

"H-Ha? A-Ano bang sinasabi mo riyan? Of course, she's friend with Remi kaya natanong ko," Kuya Resty defended.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now