Chapter 27: Special Someone

797 36 2
                                    

CHAPTER 27: Special Someone

Molly's P.O.V.

"Nag-usap kami ni Gio. He told me something about you. Now tell me, is that really true?" Napaisip ako sa mga sinabi ni Dad, and I think that Gio have already told him about my special someone. Hindi man sabihin ni Daddy nang direkta alam kong iyon ang tinutukoy niya. "Answer me! Totoo ba ang kalokohan na 'yon?!"

Kalokohan?

Nakakatawa. Kalokohan lang pala para sa kaniya ang pagmamahal. Sandali akong sumulyap kay Mommy na ngayon ay umiiling-iling na para bang sinasabi niyang sabihin kong hindi iyon totoo. Napapikit ako bago ako sumagot... "Yes."

I'm sorry, Mom. But I can't lie. Lalo pa't alam na rin naman na ni Daddy at mukhang alam na rin ni Mommy, kaya bakit ko pa itatago?

Natigilan si Daddy at hindi makapaniwala niya akong tiningnan. Bakas pa rin ang galit sa hitsura nito. "Damn, Molly! Talaga bang ipapahiya mo 'ko?! Talaga bang ipapahiya mo ang pamilya natin?!"

"Hon, please calm down." Hinawakan ni Mommy ang isang kamay ni Daddy na nakapatong sa mesa at sinubukang pakalmahin. Ngunit, binitawan lang iyon ni Daddy at muli na naman siyang bumaling sa akin. "Tell me, sinasabi mo lang ba 'yan dahil ayaw mo nang makipag-date? Come on tell me, I'll let you date whoever you wanted to just tell me, that it was just all a lie."

Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na after kong umamin ay ipipilit niyang nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng dahilan. Parehas sila no'ng Gio na iyon. "Dad, you didn't raise me to be a liar, did you?" Tumingin ako sa kaniya nang sabihin ko iyon. Hindi siya nakaimik at tila ba nagpipigil ito ng galit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpaalam. "Magre-ready na po ako. May pasok pa po ako."

Kaso lang bago pa man ako makahakbang ay tumayo si Daddy at pinigilan ako. "Stop." Wala akong nagawa kundi ang tumigil at humarap sa kaniya.

"What, Dad?"

"You're my only daughter. Stop that bullsh*t of yours at umayos ka. Huwag mo akong ipahiya, huwag mong ipahiya ang pamilya natin," kalmado ngunit mariin na turan niya sa akin.

I smirked. "Why would I?" I asked sarcastically.

"Molly, listen to me. You better stop liking whoever she is. Mas maiintindihan ko pa kung sa lalaki ka in love, pero sa kapwa mo babae? Talaga bang hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan?!" Muli na namang tumaas ang boses nito.

"Dad, I just don't understand. Bakit ba ipinipilit mo na lang palagi sa akin iyong mga bagay na ayaw ko at hindi ko gusto? Dad, I'm your only daughter. Ayaw mo ba akong maging masaya?"

"The heck with that happiness! Sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag ipinagpatuloy mo iyan? Ha?! Sisirain mo lang ang pangalan natin! At sisirain mo lang ang kompanyang matagal kong pinaghirapan!"

"And there you said it! It's all about business again! Everything is about business!" I yelled. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko dahil simula pa noon, iyon na lang palagi ang mahalaga para sa kaniya.

"Don't you dare shout at me like that!" Idinuro niya ako at ngayon ay mukhang galit na galit na talaga siya. Pero hindi ko pa rin gagawin ang gusto niya.

"You can do nothing to stop me-"

PAK!

Napalihis sa kaliwa ang mukha ko nang bigla niya akong sampalin.

"Hon! Tama na!" sigaw ni Mommy at lumapit siya para pigilan si Daddy.

"Stop that nonsense or else-"

"Or else what, Dad?" matapang kong tanong ko nang ibaling ko sa kaniya ang mukha ko. Hindi naman siya sumagot at agad na nawala sa paningin ko. Mangiyak-ngiyak naman akong tiningnan ni Mommy bago niya sinundan si Daddy. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na bigla na lang tumulo gamit ang palad ko at nagtungo sa kuwarto ko.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now