Chapter 38: Painful

1.2K 30 4
                                    

CHAPTER 38: Painful

Crystal Leigh's P.O.V.

Walking. Walking. Walking. I couldn't stop walking in this place out of nowhere. I don't know where I am. I can't see anyone around, so I suppose I'm all alone here. But why? Where are my friends? My family? Where is Akira?

"Leigh!"

I tilted my head to find where that voice was coming from.

"Leigh, I'm here!"

Napalingon ako sa likuran at doon nakita ko si Akira. "Akira!" natutuwang sigaw ko. Finally, nakita ko na rin siya. Ang akala ko pa naman ay mag-isa lang ako sa lugar na ito.

"No! Just stay where you are, okay?! Don't come near me!" hiyaw niya nang akmang tatakbo ako papunta sa kaniya.

"Huh? But why?!" takang tanong ko.

Hindi siya sumagot, sa halip ay nginitian niya lang ako. Bahagya naman akong nalungkot. Bakit gano'n? Bakit ayaw niya akong palapitin sa kaniya? May masama ba akong nagawa?

"Akira! Pupuntahan kita!" muli kong sigaw, subalit natigilan ako. Tama ba ang nakikita ko? Umiiyak siya? Anong dahilan? "Hey! Why are you crying? Am I really not supposed to come near you?!"

"No! Just go back to your family, okay?! Please! Be happy! I love you! I will never forget you!" Bigla siyang tumalikod. Balak ko na sanang lapitan siya, ngunit hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko.

"Akira! Where are you going?!" tanong ko sa kaniya nang bigla itong humakbang palapit sa puting liwanag. Hindi ko alam kung anong nangyayari. "Akira! Are you gonna leave me here?! I don't want to be alone! Please, come back!"

Humarap siya sa akin at kumaway. "Live well, okay?!" Sa huling pagkakataon ay ngumiti siya sa akin bago siya muling nagpatuloy sa paglapit sa puting liwanag.

Wala akong magawa kundi ang panoorin siya habang unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. May kung anong kumirot sa puso ko, kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"Well, I'm not!"

"Yes, you are!"

"Will you just shut your filthy mouth, Molly?"

"You shut up!"

"Hey, stop that! Aren't you ashamed? What if Crystal would hear you arguing like that?"

"I'm sorry, Tita Hazel. Ito kasing si Molly nakakainis, eh. Hayst!"

"Mabuti pa, kumain na lang kayo ng prutas."

Hindi ko alam kung parte pa rin ng panaginip ko, subalit malinaw kong naririnig ang mga boses nila. Ang mga boses nilang pakiramdam ko ay matagal ko nang hindi naririnig.

Dahan-dahan kong pinaghiwalay ang talukap ng mga mata ko. Puro puti ang unang bumungad sa akin kaya ilang beses akong napakurap dahil na rin sa medyo nanlalabo pa ang paningin ko. Nasaan ako?

"Crystal?! You're awake!"

"Oh no! She's really awake!"

"Crystal! Hey, can you hear me?!"

Ipinikit ko ang mga mata ko bago ko ito muling idinilat. Ngayon naman ay isang mukha na ang nakikita ko... si Mommy.

"Anak, can you hear me? This is me. Your mom."

Ilang beses ko pang ikinurap ang mga mata ko hanggang sa luminaw na ang paningin ko sa paligid. Nilibot ko ang bawat sulok ng kuwarto. Nasa hospital ba ako? Isa-isa ko namang tinapunan ng tingin ang mga taong nandito. Bukod kay Mommy ay nasa likuran niya si Daddy. Nakatayo naman sina Molly, Remi, at Gia. Habang may isang lalaki naman ang nakaupo sa couch. It was Haru.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon