Chapter 21: Second Family

789 35 0
                                    

CHAPTER 21: Second Family

Crystal Leigh's P.O.V.

Nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay bumaba kami ng sasakyan.

"Nasaan tayo?" tanong ni Remi habang inililibot ang tingin sa paligid.

Hindi alam ni Remi kung saan ako nakatira at hindi ko rin sinabi sa kanila na dito kami pupunta. Dinala ni Remi ang sasakyan nila nang puntahan nila ako sa condo pero naisip ko na since hindi pa siya nakakapunta rito sa bahay ay dito ko na lang sila dinala. Sinabi ko sa kanila na may naiisip akong pupuntahan namin kaya itinuro ko sa driver nila ang direksiyon. Si Molly, malamang hindi na siya nagulat dahil alam naman niya kung saan ako nakatira.

"This is my home," nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Really?!" Gulat ang makikita mo sa reaksiyon niya.

"Alam ko kasi na nagtampo ka noon dahil mas nauna ko pang dalhin dito si Akira kesa sa 'yo. Kaya naisip kong bumawi at dito ko na lang kayo dalhin."

"Thank you, Crystal. Noon ko pa talaga gustong malaman kung saan ka nakatira at gustuong-gusto ko na rin talagang makilala ang parents mo," she stated in a teary-eyed.

"Tara. Pasok na tayo?" yaya ko. She nods at pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay.

"Crystal!" Nakita ko si Mommy at Daddy na papalapit sa amin kaya sinalubong ko siya ng yakap. "Buti naman at napadalaw kayo. Molly, how are you?" baling niya kay Molly at siya naman ang niyakap niya.

"Maayos naman po ako."

"Good to hear that."

Nilapitan ko si Daddy at siya naman ang niyakap ko. "How's my baby girl?"

"I'm okay, Dad." I smiled at him at muli akong humarap kina Mommy.

"And you are?" nakangiting tanong ni Mommy kay Remi.

"I'm Remi po. I'm Crystal's best friend."

"You're so pretty! Finally, Crystal brought you here." Mom hugs her that makes Remi stunned but in a second she hugs my mom back.

I'm so happy to see her while hugging my mom. Alam ko rin na miss na miss na niya ang mommy niya at ang yakap nito.

"Nagugutom na ba kayo? Magluluto ako para sa inyo!" excited na wika ni Mom.

"Yes, Mom. Actually, kanina pa po kami nagugutom," sabat ko.

"Gano'n ba? Sige, magluluto ako at sisiguraduhin kong masarap ang iluluto ko. Can you help me, Remi?"

"Po?" Tumingin sa 'kin si Remi kaya tinanguan ko lang siya senyales na pumayag siyang samahan ang mommy ko na magluto. "Sige po."

"Great! Let's go sa kitchen?" Pumunta na silang dalawa sa kusina at masayang sinundan lang namin sila ng tingin.

"Your mom likes her."

"You're right, Dad."

-

Remi's P.O.V.

Habang nasa kusina kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapahanga at mapatitig sa mommy ni Crystal. Napakaganda niya. Kaya naman pala gano'n kaganda si Crystal dahil maganda at guwapo ang parents niya. Matangkad din sila pareho. Mabait din sila. Napakasuwerte ni Crystal.

"Marunong ka bang magluto?" tanong ni Tita Hazel habang nagsisimula nang magluto. Yes, I call her Tita kasi siya mismo ang nagsabi na 'Tita' na lang daw ang itawag ko sa kaniya.

"Honestly po, hindi po gaano," sagot ko habang hinihiwa ko ang ibang mga ingredients.

"How about your mom?"

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now