Chapter 12: Getting To Know

1K 45 0
                                    

CHAPTER 12: Getting To Know

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang nagtitingin-tingin sa mga libro na puwede kong bilhin ay nakaramdam ako ng gutom. Oo nga pala, hindi nga pala ako nag-breakfast bago umalis kanina. Lumabas ako mula sa book store at nagpunta sa food court. Um-order agad ako ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan.

Habang kumakain ay bigla kong naalala 'yong dinner kagabi sa bahay nina Akira. It was such a nice moment. First time ko pa lang silang nakita pero ang ayos ng pakikitungo nila sa akin at mabilis ko ring naging close si Asami. Subalit, na-curious din ako sa kung anong klaseng tao kaya ang daddy niya? But based on what Akira told us before, mukhang hindi magiging katulad kagabi ang eksena ng dinner kung magkakasama sila.

Kinuha ko ang phone ko at chineck kung may messages ba ang dalawa kong kaibigan. But still, wala pa rin. Kaninang umaga niyaya ko sila na mag-mall, but they declined because of the reason that they already have somewhere to attend to. Kaya ito mag-isa na lang akong nagpunta.

While scrolling on my phone ay sumusubo ako ng pagkain.

"Hi, Miss?" I heard a voice near me but I just ignored it. Obviously, it's a guy again. "Suplada. Gusto ko 'yan."

"Excuse me?" I raised my brow on him.

"Finally, I got your attention."

"Tss." Muli ay binalik ko ang atensiyon ko sa phone ko.

"Puwede bang magpa-picture sa 'yo?"

"I'm not a celebrity," I answered in an emotionless tone.

"Sige na, Miss. Kahit one picture lang."

Hindi ko na siya pinansin at tinapos na lang ang pagkain ko. Still, he's standing at my side and it's freaking uncomfortable.

Mayamaya lang ay nakarinig ako ng bungisngisan. Mula iyon sa ibang mesa na hindi masyadong nalalayo sa puwesto ko.

"Sige na, Miss. Please, one picture lang then I can treat you anything you want," he begged.

The heck! Baka nga mas may pera pa ako sa kaniya eh!

"Will you please get out of my sight?" pagsusungit ko. "And I can also treat you anything you want. I can even buy this mall just for you to leave me alone," I spat out at napangiwi siya.

"Boom! Wala ka pala, eh!"

"HAHAHA!"

"Mahina ka pala, eh!"

Kumunot ang noo ko sa mga narinig kong pangangantiyaw no'ng mga nasa ibang table. I knew it. Tss. Ang akala ng mga lalaki madali lang makuha ang mga babae. The nerve!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at umalis na.

"Hey, Miss!"

I heard him calling me but I pretend I didn't hear anything. Until my feet brought me into the accessories store. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga naggagandahang jewelries. Dumako ang tingin ko sa ibang direksiyon kung saan nakita ko noon ang isang bracelet na katulad no'ng nasa akin. Ngunit wala na akong nakitang gano'n doon kung saan nakapuwesto 'yon noon.

May nakabili na kaya no'n?

Nagtingin-tingin pa ako ng mga ibang alahas at talaga namang namamangha ako sa mga nakikita ko. I want to buy some, but then baka hindi ko rin magamit.

Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko ngayon nang biglang...

"Oh, my!" I yelled nang may nakabangga ako. Hindi naman ako nasaktan or something, sadyang nagulat lang talaga ako.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon