Chapter 29: Confession

912 36 0
                                    

CHAPTER 29: Confession

Crystal Leigh's P.O.V.

Habang pabalik ako sa classroom ay napansin ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan. Naglakad ako palapit doon dala ng curiosity.

"No! Hindi ko gagawin mo gusto mo!"

"Talagang hindi mo na ako ginalang?!"

"You can't do anything, Dad! Hindi mo 'ko mailalayo sa kaniya!"

PAK!

My eyes rounded the moment I witnessed a tricenarian man slapped a girl in front of many. And that girl... was Molly. Nabigla ako sa nasaksihan pero nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kanila at humarang sa harapan mismo ni Molly. Yes, galit ako sa kaniya because of what she did. But she's still my best friend, after all.

"'Wag n'yo pong saktan si Molly. Maawa naman po kayo sa anak ninyo," awat ko sa lalaki na sa tingin ko ay ang daddy ni Molly.

"Who are you?" he asked with authority.

"I'm your daughter's best friend. Hindi po ba kayo naaawa sa anak ninyo? Hindi po ba kayo nahihiya sa sarili ninyo? Ipinapahiya ninyo ang sarili mong anak sa harapan ng maraming tao!"

I don't care kung tunog pakialamera ako. Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Isa pa, mali ang ginagawa niya.

"Crystal..." dinig kong pigil ni Molly sa akin na siyang nasa likuran ko. Pero hindi ko siya pinansin.

"Alam nil'yo po ba kung ano ang nararamdaman ng anak ninyo sa mga ginagawa n'yo sa kaniya? Ni minsan po ba tinanong n'yo siya kung saan siya masaya? O kung masaya ba siya sa mga ginagawa ninyo?!"

"You don't have any right to question my fatherhood to my own daughter," mariin nitong usal.

Napangisi ako. "Talaga ho ba? Tama po bang saktan ninyo ang sarili mong anak sa harap ng maraming tao? Tama po bang pagbawalan ninyong maging masaya ang anak n'yo? Tell me, is that what you called a fatherhood?"

Bahagya niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Mariin siyang napapikit at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

"Mag-uusap tayo mamaya," mariin na baling niya kay Molly bago siya tuluyang umalis.

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na siya sa harapan namin. Tinapunan ko ng tingin ang mga nanonood hanggang sa isa-isa na rin silang umalis.

"Why did you do that? Hindi mo dapat ginawa 'yon," ani Molly nang magtungo siya sa harapan ko. Namumula pa rin ang kaliwang pisngi niya gawa ng sampal ng ama niya.

"At ano sa tingin mo ang gagawin ko? Sa tingin mo ba panonoorin ko lang kayo habang sinasaktan at pinapahiya ka ng daddy mo?" anas ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa mga sinabi ko para lumitaw ang isang ngiti sa mga labi niya. "I thought, wala na akong halaga sa 'yo. Salamat," aniya.

I sighed. "Aaminin ko. I'm still mad because of what you did. Pero kaibigan pa rin kita. Hindi ko matitiis na makitang sinasaktan ka ng daddy mo."

"Thank you, Crystal!" Bigla niya akong niyakap at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang yakapin pabalik.

Noon, sanay kami sa ganito. Noon 'yon noong hindi ko pa alam ang nararamdaman niya tungkol sa akin. Subalit, iba na kasi ngayon, e. Naiilang ako.

Yayakapin ko pa lang sana siya pabalik nang mahagip ng mga mata ko si Akira. Nakatingin ito sa amin pero bigla na lamang siyang umalis.

"You're welcome. Sana naman 'wag mo nang hayaan na saktan ka ulit ng daddy mo," turan ko kay Molly at iniwan ko na siya.

Tumakbo ako at hinabol si Akira. Iginala ko pa ang mga mata ko nang hindi ko na siya makita. Tumakbo muli ako at naghanap, until I saw her sitting on the bench.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now