Chapter 34: A Night To Remember

1.1K 29 1
                                    

WARNING: MATURE CONTENT! | R-18 | SPG

CHAPTER 34: A Night To Remember

Akira's P.O.V.

"Are you okay?" Leigh suddenly asked. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko at ngumiti. "Alam kong nakakagulat 'yong ginawa ko. Pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa nararamdaman ko."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at idinako ito sa driver ng taxi na madalas kaming sulyapan sa rear view mirror. Pabalik na kami ngayon sa school matapos ng biglaan naming pag-cutting. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. But I admit, that I was so overwhelmed and felt so special. Buong akala ko ay wala na akong halaga pa para sa kaniya.

"Tell me, galit ka ba sa ginawa ko?" tanong niya kaya lumingon ako sa kaniya. Wala na ang ngiti sa mga labi niya at napalitan na ito ng pag-aalala.

Ngumiti ako at marahan na umiling-iling. "I'm not mad. Hindi ko lang talaga in-expect na kaya mong gawin 'yon. You're so brave para harapin ang parents mo na kasama ako. Iniisip ko tuloy kung... deserve ko ba 'yang pagmamahal mo."

"Don't say that. Of course, you deserve it. Buong buhay ko, ngayon lang ako sumaya. At dahil 'yon sa 'yo, Akira. Bukod do'n, pinag-isipan ko rin naman nang mabuti 'yong ginawa ko. I'm glad na support pa rin ang parents ko sa 'kin."

My heart sank a little. No'ng inamin niya sa parents niya kanina na mahal niya ako, unang naramdaman ko ay takot. Dahil naisip kong baka hindi rin matanggap ng mga magulang niya. But then, they were so happy to show how supportive parents they are. Bagay na hindi ko man lang naranasan. Sapagkat, hindi ko man lang magawang makapag-decide ng para sa sarili ko.

Nakarating kami sa school na may tuwa sa mga labi. Bumungad sa amin ang mga classmates naming puno ng pagtataka kung saan kami nanggaling. Hindi na kami nag-abalang sagutin sila at naupo na lang kami ni Leigh sa mga puwesto namin. Nakatitig kami ni Leigh sa isa't isa nang magtama ang mga mata namin ni Molly. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Walang emosyon na mababakas sa mukha niya, pero alam ko kung ano ang nasa isip niya. Kapag nalaman niya ang nangyari, paniguradong magagalit siya sa akin at pilit na palalayuin kay Leigh. Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggaling at kapakanan lang ni Leigh ang iniisip niya. Kaya lang... ang hirap ng pinapagawa niya. Hindi ko kayang layuan si Leigh dahil mas lalo ko lang siyang namimiss at minamahal.

AFTER NG dismissal ay hindi na kami nagkaroon pa ng oras ni Leigh na magkasama. Kailangan niya na kasing umuwi para inumin ang gamot niya. Maski ako ay kailangan ding umuwi nang maaga dahil may importante raw na sasabihin sa akin si Mommy.

Pagdating sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa sala. She's wearing a serious face which gives me hint that this is all about Dad. Wala naman kasing iba pang dahilan para maging ganyan siya kaseryoso, kundi si Daddy lang.

"Mom," sambit ko at naupo sa single sofa.

"Akira," seryosong banggit niya sa pangalan ko. "Mabuti at umuwi ka na. I need to... tell you something," saad niya na batid ang pag-aalinlangan.

"Tell me, Mom. About po ba 'to kay Daddy?" Pilit akong ngumiti at pinasigla ang boses ko. Kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Mommy bago nagsalita, "Gusto na niyang bumalik ka na sa Japan."

Mabilis na naglaho ang ngiti ko sa narinig. Hindi ito ang inaasahan kong balita tungkol kay Daddy. "P-Po? But, why? Ano pong dahilan? Bakit biglaan?"

"Gusto niyang ikasal na kayo ni Haru as soon as possible," mahinang sagot ni Mommy.

Bahagyang umawang ang bibig ko. Bumagsak ang mga balikat ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Napayuko na lamang ako dahil wala naman akong ibang masasabi pa. Gusto kong sumagot at komontra, subalit alam kong wala na akong magagawa pa. Kapag si Daddy na ang nag-decide, wala akong magagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now