Chapter 04: Curiosity

2K 72 0
                                    

CHAPTER 04: Curiosity

Crystal Leigh's P.O.V.

"We're here!" I exclaimed nang marating na namin ang lugar na madalas kong puntahan. Mayroong dalawang malaking puno sa magkabila habang sa pagitan ng dalawang punong iyon ay may dalawang swing. Agad akong umupo sa isa sa mga swing at sinenyasan ko siyang umupo doon sa isa pa.

"Ito ang lugar na madalas kong puntahan. Malapit lang 'to sa school kaya madalas akong pumunta rito nang mag-isa..." I started, "nalaman ko ang lugar na 'to noong malungkot ako at kailangan kong mapag-isa. Hinayaan ko lang na dalhin ako ng mga paa ko kung saan ni hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala ako sa ganitong lugar." Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin sa paligid. "Simula noon madalas na akong pumunta rito kapag malungkot, masaya o kahit kapag gusto kong mag-isip. Tahimik ang lugar na 'to kaya para sa akin isa 'tong peaceful place kung saan puwede mong sumbungan ng kung ano-ano. Masarap at sariwa ang hangin, tahimik na palagid kaya nakakagaan talaga ng pakiramdam." Ngumiti ako at tumingin sa kaniya. "Ang ganda dito, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko kasi na kanina pa siya tahimik at hindi man lang nagsasalita.

"You're right. Perfect place 'to kapag gusto mong mag-isip." Nakangiti siya pero ang ngiti niyang iyon... iyan din ang ngiti niya kanina sa canteen.

"Siyanga pala, kanina tinawag mo 'ko sa pangalan ko."

"Ah, 'yon ba? Bakit? Hindi pa ba kita natatawag sa pangalan mo?"

"Actually, sa library iyon ang first time na tinawag mo 'ko sa pangalan ko at kanina naman no'ng nagtago tayo sa puno ay ang pangalawang beses."

"Gano'n ba... Pasensiya kana hindi ko napansin."

"Ayos lang. Pero, matanong lang kita... bakit pala ang second name ko ang tawag mo sa 'kin?" Bahadya kong pinagalaw ang swing gamit ang mga paa ko at nadama ko ang hangin.

"Ha? Hindi ba puwede?"

"Hindi naman. Ang totoo kasi niyan, ikaw pa lang ang tumatawag sa akin by my second name..."

"Ahh... I just found Crystal is too long to mention so I decided to call you by your second name, 'coz it has only one syllable..."

"Huh?" Napahinto ako sa pag-swing at napatingin sa kaniya.

What? Mahaba na para sa kaniya ang Crystal? Pero dalawang syllables lang naman 'yon, ah? Unlike sa name niya na may three syllables.

"And... I really like your name."

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya.

She likes my name? Pero anong name ko ang tinutukoy niya? 'Yong Crystal ba o 'yong Leigh? Hays, hindi ko siya maintindihan.

Bigla kaming nabalot ng katahimikan nang biglang naalala ko ang mga sinabi niya kanina sa canteen.

"May I ask something?" tanong ko. At sana lang hindi siya pilosopo tulad ng iba na sasabihin na nagtatanong na ako.

"Yeah, sure."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa maayos niyang sagot.

"I'm just curious... About your dad, paanong wala kang freedom?"

Natigilan siya sa itinanong ko. Mali bang itanong ko 'yon? Masyado na bang personal? Pero curious lang naman ako. Isa pa, natanong ko na rin naman.

She sighed at tumingin nang diretso sa kawalan. "Let's just say that, he's controlling my life. Gusto niya palaging siya ang masusunod pagdating sa buhay ko. He even decided about my future... It feels like, I don't have the right to decide on my own and to choose on my own..." Tipid siyang ngumiti pero isang malungkot na ngiti.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now