Chapter 18: Remi's Birthday

810 37 0
                                    

CHAPTER 18: Remi's Birthday

Crystal Leigh's P.O.V.

Matapos ang speech ng daddy ni Remi ay muling bumalik sa harap ang kuya niya.

"Wow, that was a heartfelt speech, Dad!" wika nito. "Before I begin my speech, let me first introduce myself. Yes, you heard it right. We three, the chaotic sons of Mr. Infante, also held a speech for our dearest sister."

Nagbungisngisan naman kami. Mukha naman silang masayang pamilya dahil sa sense of humor ng daddy at mga kuya niya, but I understand how she felt. Iba pa rin kapag babae ang nakakausap mo, dahil may mga bagay na kapwa babae mo lang din ang makakaintindi sa 'yo.

"I'm Rex Infante. The first son of Mr. Infante, the handsome brother of the celebrant."

"Hahaha!"

Tama nga ang sinabi ng daddy nila.

"To our only princess, Remi..." Biglang sumeryoso ang boses niya kaya natahimik kaming lahat at nakinig sa kaniya. "Happy birthday. I'm wishing you all the best. Within seventeen years of your existence, you really brought us joy. You became our source of strength and happiness. We may not be perfect brothers for you, but then you're the only treasure that we have. We're gonna protect you and we'll be here for you no matter what."

His speech was sweet. Pero napansin ko ang madalas na pag-sulyap niya sa isa sa mga bisita. Nang sundan ko kung saan siya nakatingin ay... Nakatingin siya kay... Gia.

Hindi ko alam kung may nakapansin ba o sadyang ako lang? Kakaiba ang tingin niya kay Gia.

Type niya ba si Gia?

"I don't wanna be too emotional here, so I'm gonna pass this mic to my brother."

Biglang umakyat sa stage ang isang lalaki. Matangkad din ito at tulad ng nauna ay guwapo rin ito.

"Good evening, everyone! I'm Resty, the second son and the most handsome of the family."

Natawa kaming lahat sa pagpapakilala niya. Ang hahangin nila.

"Hays! Napakahangin talaga nila," naiiling-iling na turan ni Remi.

"I wanna greet my dear younger sister, a happy birthday. I actually didn't prepare for this, I mean I don't know what to say... There's only one thing I know... That is how I love my sister so much."

"Aww..."

Napa-react ang ilan dahil sa sinabi niya. That was sweet, though.

"I love her more than I love myself. Just like what Kuya Rex said, she's the source of our strength and happiness. Without her, I don't think our lives would be worthwhile. So, I'm also glad for Mom that she brought us an angel. I love you, Remi. Happy birthday."

Nakangiti kaming lahat ng matapos ang speech niya. Si Remi naman ay nakangiti rin at feeling ko kaunti nalang ay tutulo na ang mga luha niya.

"'Wag mo nang pigilan kung hindi mo na kaya," saad ko naman sa kaniya.

"Sana birthday ko na lang palagi..."

"Bakit naman?"

"Kasi saka lang sila nagiging ganyan kapag birthday ko," natatawang hayag niya.

Napangiti naman ako. Remi is lucky for having a great father and brothers.

"Good evening."

Naagaw ang buong atensiyon namin ng biglang may nagsalita sa mic. Nang makita ko kung sino ito ay naalala kong siya 'yong kaninang nakatitig sa akin. Siya pala 'yong isa sa mga kuya ni Remi.

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon