- EXTRA-CHAPTER -

948 28 5
                                    

Your Boyfriend Sucks

storyline by toneewritestragedies

EXTRA chapter -


x - - - - - - - - - - x


"Okay ang grades natin ah." bati sa'kin ni Mikko nang makita namin ang grades ko sa website ng Rockefeller University Graduate School - Bradford School of Management.

Nakakatuwa kasi pinasa ko lahat ng subject ko for second sem sa kabila ng mahihirap na mga subject pati na rin ang pag-aasikaso ko sa ZA. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang mag-open ang museum, so far so good naman ang pagdagsa ng guests pati na rin ang kita. Tutal summer ko naman ngayon kaya mas hands on ako sa trabaho.

Kung tinatanong niyo kung kamusta si Lyle, honestly wala akong balita sa kanya. Pagkatapos kasi nung pag-uusap namin sa likod ng Zurich Artistry, hindi ko na rin siya nakita noon hanggang sa matapos ang party, pati na rin si Zanessa ay biglang nawala. Ayokong isipin na may kinalaman si Mikko doon lalo pa't naroon din ang ilan sa mga myembro ng Lucchese.

Maliit lang na bagay 'yun - uhm not really, kasi parang nasagasaan ang ego ko bilang babae dahil sa sinabi niya pero hindi naman siguro sapat 'yun para takutin nila siya 'di ba? I know they won't stoop that low.

"I'm sure Mamami and Dadadi will be happy with my grade results." nakangiti ako habang titig na titig sa grades. Bigla kong naalala si Paris, ngayon din ang releasing ng grades nila.

Tumayo muna ako upuan at hinayaang mag-laptop muna si Mikko tapos tinawagan ko si Paris. Haay, na-miss ko siya. Hindi kasi kami nakapagkita nitong nakaraang linggo dahil parehas kaming busy. Nakaramdam tuloy ako ng pagkasabik na makita siya. Waaa, ano na ba 'tong pinagsasabi ko?!

Ilang ring palang at sinagot niya na agad ang phone. "Hello, Sasha." bati niya sa akin.

"Hi, nakita mo na ba ang grades mo para sa pinakahuli mong semester? Makaka-graduate ka ba sa April?" asar ko sa kanya.

Tumawa siya sa kabilang linya na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok. Hindi ko alam bakit biglang nagkaganito ako to think na tawa pa lang niya, how much more if he's standing before me now?

"Oo naman, ako pa ba? Hindi naman sa pagmamayabang kaibigan, pero mataas ang General Weighted Average ko." aba't niyabangan pa ako ng isang 'to!

"Wow, ang galing naman. I'm so happy and proud for you." sabi ko sa kanya.

"Aba dapat lang, magiging lawyer pa ako e. 'Di mo ba ako tatanungin kung anong GWA ko?" tanong niya sa akin habang natatawa.

Lumabas naman ako banda sa may pool part dahil kahit alam kong busy si Mikko sa pagla-laptop, at for sure nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ni Paris.

"Huh? Bakit ilan ba sa'yo? Sa akin kasi 1.78, pwede na 'yun dahil hindi naman ako kasing talino mo at ng kapatid ko."

"Pwede na 'yan basta pumasa ka. 1.16 ang GWA ko. Ang galing 'di ba?" pagmamayabang niya sa akin.

Halos mag-faint ako sa narinig ko. Grabe, sa hirap ng Law ang taas ng grade na nakuha niya?! Tao pa bang normal 'to si Paris? Parang si Mikko lang din siya kung acads ang pinag-uusapan. Bakit pinaliligiran ako ng mga brainy na lalake? Ito na ba ang trend ngayon?

"Papasa ka na sa Bar Exams niyan." bati ko.

"Sana. 'Nga pala, kamusta ka dyan? Namimiss na kita, Suri Shadows. Ako, hindi mo ba ako namimiss?" tumawa siya.

Pinamulahanan na naman ako ng mukha for sure, masyadong cocky si Paris pero hindi ako naiinis sa mga sinasabi niya, mas kinikilig pa ako sa pagiging cocky niya.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon