- vingt-septième -

900 25 5
                                    

vingt-septième (wifey material) -

Sinamahan ko si Paris sa Maryknoll para asikasuhin ang credentials niya para sa Graduation next month. Ako na rin ang nagpresentang magbayad ng Grad Fee niya sa cashier pero syempre pera niya 'yung ipinambayad ko. Tinulungan ko na lang siyang mag-multitask para maaga kaming matapos sa mga gawain niya para sa ngayong araw.

"Mahaba ba ang pila?" tanong niya sa akin nang magkita kami sa Freedom Park.

"Uhm sakto lang, 'di naman masyadong stressed out." sagot ko naman. Kung kakagaling ko lang sa cashier, siya naman ay nagpasa pa ng mga clearance. By 4pm kasi tapos na kami sa mga what-to-do ni Paris. Earlier than he expected kung mag-isa lang siyang lalakarin lahat ng 'to.

"Thank you ha, ikaw? Tapos na ba mga credentials at clearance mo?"

"Oo naman, pinasa ko na agad bago pa mag-start 'yung summer break."

Tumango siya tapos tumayo mula sa bench na kinauupuan namin. "Tara." sabi niya tapos nag-stretch ng braso paitaas.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta." hinila niya na ako at pumunta na kami sa parking lot.

Haay, saan na naman ako dadalhin ng lalaking 'to?

Pumasok na kami sa kotse at pinaandar na niya na ang sasakyan pero ngayon, iba ang ruta na tinatahak namin. Iba 'to sa lahat ng daan, oo alam ko 'to kung sa kalsada lang naman pero ito 'yung unang beses na dumaan ako dito na kasama siya.

"Saan na naman kasi tayo pupunta, Paris? Parang ngayon lang tayo dumaan dito e."

"Tss, basta nga 'di ba?" simple niyang sagot habang naka-concentrate sa pagmamaneho.

Napanguso na lang ako at tumingin sa labas ng windshield. Bahala na siya!

Nakarating kami sa isang condominium building at hindi ko alam kung kaninong unit ang pupuntahan namin. Tinatanong ko si Paris pero ayaw niya talagang sumagot ng maayos. Sumakay kami sa high-rise elevator at pinindot niya ang 36th floor. Dahil kakaunti lang naman kaming nakasakay, madali kaming nakarating sa designated floor at sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil kami sa isang unit at binuksan niya ito.

Pumasok siya at sumunod ako sa kanya. "Sa'yo 'to ano?" pag-confirm ako.

"Oo, sa'kin 'to. Dito ako nakatira simula nang mag-Law School ako." sabi niya sa akin tapos binuksan ang fridge at kumuha ng CBTL Sparkling Soda, inihagis niya sa akin 'yun at buti na lang nasalo ko agad. "Sa'yo na 'yan."

"Thanks. Sa'yo pala 'to e, ba't hindi mo agad sinabi sa akin kanina na ito pala ang pupuntahan natin?" binuksan ko 'yung in-can tapos uminom.

"Wala lang, kasi baka pag sinabi kong dito tayo pupunta baka hindi ka sumama sa'kin."

"Huh?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Basta. Maupo ka muna, may gagawin lang ako saglit."

Umupo muna ako sa couch habang siya naman ay nasa kitchen at nag-aayos ng kung ano. Dahil wala naman akong magawa, kinuha ko ang sketch pad at charcoal pencil ko sa bag tapos tinignan kong mabuti si Paris na nakatalikod sa gawi ko.

Sinimulan ko siyang i-drawing, matagal lang akong nakatitig sa kanya habang hinahayaan ko lang siyang gumagalaw-galaw. Kung sa bagay may idea naman na ako kung paano ko siya iguguhit.

Wala siyang idea sa ginagawa ko pero at the same time, nag-eenjoy ako kasi ito ang unang beses na d-in-raw-ing ko siya, saglit lang naman 'yung sketch ko sa likod niya kasi bigla na siyang humarap sa gawi ko.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon