- treizième -

1.1K 37 15
                                    

treizième (this ain't right) -

Ilang linggo na din 'yung lumipas mula nang una kaming lumabas ni Lyle. Actually, nasundan 'yun ng marami pang paglabas. I can say this is date but we're getting to know each other more. Ayun nga lang, walang nakakaalam sa mga classmates ko sa Masters na nagde-date kami ni Lyle kasi malaking eskandalo 'yun. Kung sa kanya ay wala siyang pakialam kung may makaalam na iba, sa akin nakakakaba 'yun. Pero tama nga ang sinasabi ng iba na "masarap gawin ang bawal". Ang saklap naman niyon para sa akin, basta ang mahalaga wala akong natatapakang tao.

Dumalaw ako sa site ng construction ng Zurich Artistry on behalf ni Dadadi. Syempre imposibleng hindi ko makita dito si Cedric. Haaay, pero kahit paano, deadma na lang ako sa mga nararamdaman ko. Hindi na rin ako nakakaramdam ng bitterness o sakit. I dealt with him with utmost professionalism so our work won't be messed up. At ganoon din naman siya sa akin.

Sobrang init sa site at mabuti na lang at may suot akong sleeves at 'yung hard cap na pang engineer. Syempre ayoko namang mag-sitting pretty lang dito at magpaka-importante kaya sumusuong ako sa initan para maki-cooperate sa planning.

Nilingon ako ni Cedric na nasa harapan ko lang. "Sasha, masyadong mainit. Doon ka na lang sa tent. Kaya na namin 'to."

Umiling ako. "No, I'm fine Cedric. Wala namang problema sa akin. I'm just here to help you out."

Nakita ko ang guilt sa mukha niya. "Pero namumula na ang mukha mo. Ayos ka lang ba talaga?"

Tumango ako ng kaunti. Hay Cedric, feeling concerned ka naman. "Of course, I'm fine. No need to worry about me."

Bigla niyang kinuha ang shades niyang nakasabit sa gitna ng polo shirt niya at isinuot sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"H-hey. I said, I'm okay. You don't need to do this kind of stuff." mahinang sabi ko sa kanya pero medyo hindi rin ako mapakali.

"Don't complain, Miss Shadows. You're our client so I need to take care of you."

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya. Parang 'di naman makatotohanan 'yang care care na 'yan. Bumalik na ako sa tent at doon na lang ako nagtrabaho gamit ang laptop.

Hindi naman nakaka-stress ang trabaho ko pero nagkakaganoon dahil kay Cedric. Kung makaasta siya sa akin, akala niya kami pa. Bumabawi ba siya dahil guilty siya sa kawalang-hiyaang ginawa niya o dahil sa client lang niya ako? Hay, ayoko na nga mag-isip ng mga ganyang klaseng bagay.

Nag-vibrate ang phone ko, pagtingin ko si Lyle ang nagtext. Ano ba naman 'to, parang may kung ano sa sikmura ko na naglalaro.

From: Lyle Ortega

Message: Don't forget to eat your lunch. I miss you.

Napapikit ako pagkabasa sa message niya. Oo, inaamin ko kinikilig ako sa text niya. Kasi imagine, 'yung crush ko noong high school, ako naman ang crush ngayon. Diyos ko, ang bait masyado ni God sa akin dahil higit pa sa inaasahan ako ang ibinigay Niya.

Kanina pa siya nagtext sa akin pero hindi ako makapag-reply ng tama at nakatitig lang ako sa screen ng phone ko. Ayy! Baka iba ang isipin niya at busy ako! Ugh, bahala na!

To: Lyle Ortega

Message: Yeah. You too, happy lunch!

Ipinilig ko ang ulo ko. Hay, Suri tama na ang ganitong pag-iisip. Hindi ka makakapagtrabaho ng maayos kung ganito lang!

"Sasha?"

Napalingon ako nang pumasok sa tent si Cedric at may dalang pagkain mula sa isang restaurant.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon