- quinzième -

878 33 8
                                    

TWT's NOTE: Why does everyone doesn't like Lyle? He's a good guy! ^_^ lol xx Short updates for you guys!

x - - - - - - - - - - x


Your Boyfriend Sucks

by toneewritestragedies

quinzième (rainbow after rain) -

Haggard na haggard ako galing sa school dahil marami akong ipinasa na term papers. Lalo na 'yung kay Lyle, haaay, ang hirap! Pero ginawa ko naman 'yung best ko na galingan 'yung gawa ko dahil ayoko naman na isipin niya na sinasamantala ko 'yung feelings niya para sa akin para ipasa niya ako 'di ba?

Pagkagaling sa Bradford, dumiretso na ako sa opisina dahil kakausapin ko si Cedric tungkol sa additional plans sa itinatayong Zurich Artistry. Kung tatanungin niyo ako kung nasasaktan pa ba ako o kakabahan, siguro ang sagot ko hindi na dahil nakapag-let go na ako sa sakit at saka wala naman na ako ng magagawa kung ayaw na talaga niya sa akin. May sarili na siyang buhay, ganoon din ako. And besides, masaya na ako dahil kay Lyle.

"Hi." matipid kong bati kay Cedric pagpasok ko sa office. Nandoon na kasi siya loob at naghihintay sa akin.

"Hello, Miss Shadows." nakpag-shake hands siya sa akin tapos in-offer ko siyang maupo ulit.

"Nasaan nga pala si Engr. Yamaguchi?" tanong ko, wala kasi siya dito. Lagi kasi silang magkasama nito tungkol sa planning.

"May importante kasi siyang inasikaso sa isa niyang kliyente. Pero binigay naman niya sa akin 'yung mga files na kailangan." paliwanag ni Cedric sa akin.

Tumango ako at kinuha ang clear folder at DVD ng files na ipinatong niya sa mesa ko. "Good, thank you. Kailan ang estimated date na matapos ang ground floor? Pinagmamadali kasi tayo ng Board para maisabay ang Grand Opening sa Zurich Artistry Bangkok."

"In three days' time completed na siya, finishing touches na lang ang kailangan tapos proceed na sa furnishing ng second floor."

"Okay." habang tinitignan ko si Cedric, na-realize ko na wala na akong feelings para sa kanya. Salamat sa sarili ko dahil naka- move on akong mag-isa. Aaminin kong hindi na uubra sa akin sa Cedric, past is past, that's for sure but he cannot hurt me anymore. Hindi rin ako magpapaka-ipokrita kung sasabihin kong pwede na kaming magkaibigan ulit. That won't happen anymore.

Madali namang natapos ang pag-uusap namin dahil tungkol lang 'to sa business at wala nang iba pang mga personal na bagay.

"Just e-mail me for any updates. Thank you, Mr Gonzalvo." iyon ang huli kong sinabi bago ko i-lead ang way palabas kay Cedric.

"Salamat din, Miss Shadows. And one more thing before I go." pahabol ni Cedric.

"Yes?"

"You look so stunning. Bagay pala sa'yo ang ganyang ayos. I hope you could stay that everyday."

Nagulat ako sa sinabi niya. How dare him to say those words? Iniinis niya ba ako? Tapos na ang lahat e, bakit ang epal niya pa?

Kinalma ko lang ang sarili ko at kinuyom ang mga palad. "Well, ito ang mga nagagawa ng single." tapos nginitian ko siya ng pang-asar.

Iniwan ko siyang gulat na gulat at lumabas na ako sa opisina ko bago pa siya bumalik sa tamang ulirat.

x - - - - - - - - - - x

Dali-dali akong bumaba sa parking lot ng Hertford dahil naghihitay sa akin doon si Lyle. Sabi ko sa kanya dito na lang kami magkita kesa doon sa Rockefeller kasi baka may makakita sa amin at mapag-usapan pa ng mga tao at ayun ang ayokong gawin. Hindi naman dahil sa ikinakahiya ko si Lyle pero umiiwas lang ako sa gulo.

Saktong pagdating ko sa parking, naroon na agad ang kotse ni Lyle, nakababa ang windshield sa banda niya at nakangiting nakatingin sa akin. Haaaay, nag-melt na naman ang puso ko sa simpleng gestures niya.

"Hi Lyle!" masayang bati ko sa kanya.

"Hello there, beauty. I missed you." sabi niya sa akin bago siya lumabas sa kotse at nilapitan ako.

Nakipag-beso siya sa akin at ipinagbuksan ako ng kotse para makapasok ako.

"Suri?"

Agad akong napalingon sa boses na narinig kong tumawag sa akin. Si Cedric.

"O Cedric? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. Pero hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Lyle at matalim ang tingin niya rito.  Ano'ng problema niya?

"Sino siya?" tanong niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Ang awkward lang, 'yung totoo. Ano'ng karapatan niyang magtanong ng ganyan?

Tumikhim si Lyle at ini-offer ang kamay niya kay Cedric para makipag-shake hands at tinanggap naman nito ng huli.

"Lyle Ortega, pare." simpleng sagot ni Lyle sa tanong ni Cedric na para sa akin.

"Boyfriend mo?" tanong ni Cedric pero si Lyle na ata ang sasagot para sa akin.

"Ah, hindi pa pare. Pero we're under mutual understanding." muntik na akong mapa-ubo sa sinabi ni Lyle  pero kung sa bagay totoo naman ang sinabi niya e. Ugh!

"Oh I see. " tumango-tango pa si Cedric. "Well, take care of her. Sasha is a very wonderful person."

Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya at tinalikuran na kami ni Cedric. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi na siya mahagilap ng paningin ko.

"Siya ba ang rason kung bakit ka umiiyak doon sa likod ng College of Science?" tanong sa akin ni Lyle habang umuupo ako sa passenger's seat ng kotse.

"Oo, siya. Irony of life nga e, isa na siyang architect ngayon at ang una niyang project ay 'yung ima-manage kong Zurich Artistry. Pero okay naman na ako. Naka-move on na din sa paglipas ng panahon. I can't say na napatawad ko na siya agad. It's a long process." kwento ko kay Lyle noong magsimula siyang magmaneho.

"Siguro naman hindi ka na niya guguluhin?" natatawa naman si Lyle pagkatapos.

"I guess not, he already have my best friend. Wala na akong pakialam tungkol dun."

Napa-'o' naman ang bibig ni Lyle sa sinabi ko. "Kaya ayokong nagbe-best friend e, masaklap. 'Di mo alam inaahas ka na pala."

Natatawa na lang ako sa sinabi niya. "Oo nga e, pero kahit na ba nabawasan ako ng isang kaibigan, may natira sa akin at nadagdagan naman. Ayos na sa akin ang ganoon. "

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lap ko tapos nginitian niya ako.

"At may madadagdag pa 'di ba?" pertaining to himself. "I'm getting crazy, Sasha. Sana 'wag mo na nga talagang mahalin ang lalaking 'yun."

"B-bakit?"

"Malapit ka nang maging sa akin e. Abot-kamay na kita. Ang tagal ng inantay ko para makita ka uli at ngayon, hindi ko na sasayangin 'yung pagkakataon para maging tayo."

Pakiramdam ko, may mist ng luha ang lumabas mula sa mga mata ko. Sabi nga sa isang kanta, "There's a rainbow always after the rain.", ito na nga siguro ang inaantay kong sagot sa mga dasal ko. Na may taong willing mag-antay sa akin at punan ang sakit na nararamdaman ko para pasayahin ko. Ito na siguro 'yun.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon