- trentième -

741 25 4
                                    

trentième (love and acceptance) -


"What?" sabay-sabay na tanong sa akin nina Mom, Dad at Mikko. Bakas sa mukha nilang 'di sila makapaniwala sa rebelasyong sinabi ko sa kanila.

Nilapitan ako ni Mamami habang si Dadadi naman ay napameywang at si Mikko ay nakatitig lang sa akin na blangko lang ang reaksyon ng mukha.

"Ilang weeks ka nang pregnant ha, Suri?" hinawakan ako ni Mamami sa likuran ko at hinagod-hagod ito.

"H-hindi ko pa po alam, siguro kailangan ko po munang magpa-check up kay Dr Tiu para dito."

Tahimik lang ang lahat pagkatapos kong magsalita. "I'm sorry if I disappoint you all." napayuko ako.

Naramdaman kong niyakap ako ni Mikko at tinapik ako sa ulunan. "No, you did not disappoint us, Suri. You made us proud. Dahil pinanindigan mo 'yan, naging matapang ka."

Akala ko kakagalitan ako ni Mikko dahil sa nangyari sa akin, pero naisip ko, afterall kakampi ko 'tong kakambal ko sa lahat ng bagay at alam niyang dito ako magiging masaya. Napatingin ako kay Dadadi na nakatingin pa rin sa akin. Hindi pa rin nawawala 'yung takot at kaba ko dahil kanina pa siya walang imik.

Nang magkalas kami ni Mikko sa pagkakayakap, lumapit ako kay Dadadi at hinawakan ang kamay niya. "Dad, I'm sorry.." I felt my voice broke a bit. Pinipilit kong hindi maiyak pero 'yung mga luha ko masyadong OA at unahan nang lumabas mula sa mga mata ko.

Tuluyan na akong napaiyak nang yakapin ako ni Dadadi at inalo ako tulad ng pag-alo niya sa akin nung bata pa ako. I feel like I'm a lost child.

"You need not to say sorry, okay? I admit at first I was shocked upon hearing that but it's already happened, it's a blessing. Regalo 'yan sa inyo ni Paris ng Diyos, anak. At alam kong magiging mabuti kayong magulang. Kaya 'wag kang mag-alala, nandito kami para gabayan ka." malumanay na sabi sa akin ni Dadadi.

Napahigpit ang yakap ko kay Dadadi. Ngayon sa wakas, I really felt relieved. Thank you, Lord for giving me a supportive and amazing family.

x - - - - - - - - - - x

Sinamahan ako ng buong family ko kanina para magpa-check up kay Dr Tiu para sa pagbubuntis ko at nalaman naming eight weeks pregnant na ako, meaning two months na. Mabuti naman daw at naagapan ang pagtigil ko ng pag-inom ng gamot dahil delikado para kay baby.

Kinukulit nga ako ni Mikko kung bakit 'di ko pa sinasabi kay Paris — honestly wala pa akong lakas ng loob na sabihin 'to sa kanya. In the first place, we're not really official as boyfriend-girlfriend. At hindi ko rin alam kung anong mararamdaman niya pag nalaman niya na magkakaanak na kami.

Pero tinatagan ko na lang ang sarili ko. Ayoko namang matulad sa dati na lalaki pa ang problema pag hindi ko pa ipinaalam ng maaga. T-in-ext ko si Paris na pupunta ako sa condo niya at wala na akong ibang sinabing dahilan kung bakit.

Maingat akong nag-drive papunta sa condo. Buti at hindi ganoon kalayo ang distansya ng tirahan ni Paris mula sa amin kaya hindi naman ako masyadong napagod.

Agad naman akong piangbuksan ni Paris ng pinto nang makita niya ako mula sa peephole ng pinto ng nakatayo sa labas ng unit niya.

"Himala, ikaw ang kusang pumunta dito sa unit ko." asar niya sa akin habang inaayos niya ang mga makakapal niyang libro sa center table ng living room niya. Kahit naman na graduate na siya, nag-aaral pa din siya para sa nalalapit na Bar Exam.

Nginitian ko lang siya tapos niyakap ko siya mula sa likuran niya. Lumingon siya sa akin. "O anong nangyayari sa'yo? Ang weirdo mo yata."

Umiling lang ako tapos nakayakap pa din sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo kami sa couch. "Pakiramdam ko may sasabihin ka sa'kin, Sasha."

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon