- trente-deuxième -

677 24 11
                                    

- trente-deuxième (apology accepted) -

Hindi na kami nag-usap ni Paris ng matino pagkatapos naming magkasagutan. Kung mag-uusap man kami, tipid lang at walang halong ka-sweet-an. Busy siya sa pag-aaral habang ako naman, kung hindi nanonood ng tv o nagbabasa, nagpe-paint lang ako. Sobrang nakakabagot na dito sa bahay. Hindi man lang naiisip ni Paris na nabo-bore din ako? Haay, gusto kong umuwi sa bahay at doon na lang ako. Pwede pa akong mag-gardening o kaya mag-excercise ng paunti-unti.

Tama. Uuwi na lang siguro ako.

Pumasok ako sa kwarto habang kumakain si Paris sa couch, syempre subsob pa din siya sa pag-aaral kaya hindi niya napapansin ang mga ginagawa ko. Nag-impake ako ng kaunti kong gamit tapos lumabas ako sa kwarto at tumayo sa harapan niya.

"Paris." tawag ko sa pangalan niya tapos iniangat niya ang tingin niya sa akin tapos parang na-weirdohan siya sa nakita niya, naka-back pack kasi ako ngayon tapos may sling bag din na nakasabit sa balikat ko.

"Saan ka pupunta? 'Di ba sabi ko sa'yo tigilan mo na ang pagyo-yoga?"

Umiling ako. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako aattend ng yoga classes. Uuwi na ako sa amin." diretsong sabi ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa floor tapos nag-stretch ng braso niya. "Ba't ka uuwi sa inyo? Wala naman tayong pinag-usapang uuwi ka 'di ba?

"Nabo-bore ako dito Paris. I can't be torn onto this place. Nine months akong dapat nandito."

"Bakit, pag nasa bahay ka ba niyo marami kang magagawa? Parehas lang naman 'yun, Sasha. Magpapahinga ka, magpe-paint, magbabasa, manunuod ng tv. Ano pa bang gusto mong gawin?" naiiritang tanong niya sa akin.

"Naho-homesick ako. I feel like I'm not at home but I'm at prison!" hindi ko naiwasang tumaas ang boses ko sa sobrang frustrate sa mga pangyayari.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Paris dahil sa sinabi ko. I know I sounded rude but I'm sorry, I don't care. Gusto kong malaman niya ang mga nararamdaman ko.

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bewyang niya at tumaas-baba ang kanyang dibdib na para bang kinakalma niya ang sarili niya.

"So you feel that you are in prison by living here with me? 'Yan ba ang ibig mong sabihin, Sasha?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip umalis ako sa kinatatayuan ko at naglakad papuntang pintuan pero dahil mas mabilis gumalaw si Paris kesa sa akin, naunahan niya ako makarating doon tapos humarang siya sa may pinto.

"Paris, ano ba. Pabayaan mo na lang ako, please. I need to be alone. Napapagod na ako sa ganito." I said to him desperately but he just looked at me poker-faced.

"Do you really want that huh?"

Yumuko na lang ako bilang sagot sa tanong niya. I don't know. We're soon to be parents but I think we're not growing. We've gone into worst when we started living with each other. Aren't we capable to be together? Aren't we capable of having a child at this moment?

"Mag-iisip-isip muna ako. Babalik ako kapag okay na ang lahat sa sarili ko. I love you." sabi ko sa kanya tapos hinalikan ko siya sa lips bago binuksan ang pinto at tuluyang umalis.

x - - - - - - - - - - x

Paris hasn't followed me at all. I know he won't. Ma-pride siyang tao. Anyways, ayos lang naman sa akin na hindi siya sumunod baka magkagulo lang kung pipigilan niya. I just wanted to be alone and free right now. I don't wanted to be isolated. Pakiramdam ko parang may humahawak sa leeg ko at nahihirapan akong gumalaw pag ganoon.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon