- sixième -

1.1K 39 5
                                    

Your Boyfriend Sucks

written by toneewritestragedies

- sixième (snakes and ladders) -

x - - - - - - - - - - x

Isang malaking palaisipan talaga 'yung sinabi ng stranger na 'yun sa akin kahapon. Hindi ako makatulog dahil sa pinagsasabi niya. Kung sa bagay naman kasi ay may point siya. Kung sisimulan kong gawin ang iyon, mas gagaan ang pakiramdam ko at magiging matatag ako para sa sarili ko. I could be a better person.

Pero mukhang mahirap talaga siya simulan! Pagulong-gulong na ako dito sa kama ko pero hindi ko alam kung saan at paano ko gagawin 'yung mga sinabi niya. Nakakaloka.

Mapupuyat pa ako nito kakaisip! May pasok pa ako bukas. Baka wala akong maisagot sa professors ko kung pre-occupied ang isip ko ng pagmo-move on.

x - - - - - - - - - - x

Kinabukasan sa Bradford, medyo inaantok pa ako gawa doon sa pag-iisip ko sa mga sinabi niya sa akin kagabi. Sana naman ay hindi ako makatulog sa klase ko mamaya! Bumili na lang ako ng Nescafe Latte in can sa cafeteria at dinala sa classroom para iyon na lang inumin ko kung sakaling tinatamaan pa rin ako ng antok.

Nang magsimula ang klase ay okay pa naman ako. Kinukurot ko ang sarili ko para magising at hindi antukin.

"Excuse me. I just need to go to my office, class. I brought the wrong book to use." sabi ni Mr Benitez tapos lumabas ng room. Gaya ng normal na klase ay nagsipag-ingay ang mga kaklase ko. Mga nagku-kwentuhan at ang iba nama'y tahimik lang tulad ko.

Nag-abala na lang ako na mag-drawing sa likod ng notebook ko ng isang mountain scenery.

"Hi!"

Napaatras ako nang may bumati sa akin malapit sa tenga ko, pagtingin ko, ito 'yung lalaking stranger! The hell, ano'ng ginagawa niya dito? At talagang nakaupo pa siya sa tabi ko!

"S-sinusundan mo ba ako?" gulat na sabi ko sa kanya.

Nakangisi siyang umiling. "Hindi naman, Miss. Nagkataon lang naman 'to. Makiki-sit in lang naman ako sa klase niyo e. Tito ko 'yung prof."

Marahan akong tumango. "Okay."

Sa ilang saglit ay dumating na si Prof Benitez. Nang makita niya si stranger guy, tinanguan niya ito. Nang humarap naman ako sa kanya nag-approve sign naman siya. Ba't kaya 'to nagsi-sit in dito? 'Di ata 'to pumapasok sa sariling klase niya.

Mabuti naman at hindi ako ginugulo nitong stranger guy na 'to sa habang nagdi-discuss si Prof Benitez. Pagsilip ko natutulog pala siya all along! Ang sarap pa ng pagkaka-head down niya sa desk habang 'yung tiyuhin niya ay nagdi-discuss sa platform! Ang pasaway naman nitong stranger guy na 'to. 'Di na nga pumapasok sa tamang schedule niya, natutulog pa! Good luck na lang kung maipasa niya ang subject na 'to. Palibhasa kamag-anak niya ang prof kaya bahala siyang matulog kung gusto niya.

Nang matapos ang klase ay inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Break time ko kasi at plano kong pumunta ng open field para mag-sketch tutal dala ko naman ang mga pang-drawing ko ngayon.

Naglalakad ako sa hallway nang may nakabangga akong isang grupo ng mga babae. Para silang mga models kung rumampa-- mga magaganda at balingkinitan ang mga katawan.  Inirapan ako noong parang leader nila.

"Shucks, haharang-harang sa daan. Maliit ba kami sa paningin mo ha, Miss?" naka-cross arms pa siya habang tinatarayan ako.

"Sorry. 'Di ko sinasadya." yumuko ako. Nakita ko sa mga ID nila na taga-Fashion Dept sila. So that explains kung paano sila gumalaw.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon