- huitième -

1K 35 5
                                    

TWT's NOTE: Happy Hearts' Day everyone! Have a blast! xx

x - - - - - - - - - - x


Your Boyfriend Sucks

written by toneewritestragedies

huitième (artistically awesome) -

x - - - - - - - - - - x  

Iyak lang ako ng iyak pag-uwi ko sa bahay. 'Di ba sabi ko wala ng iiyak Reimi Suri? Bakit nag-iiyak ka pa?! Arrgh, ano na kaya ang ginagawa nila ngayong dalawa? Shit, pag naalala ko 'yung milagrong ginawa nila nung nahuli ko sila, naiinis talaga ako.

At some point dapat tinitigil ko na ang pag-iyak dahil wala naman 'tong mabuting naidudulot sa akin. Mas lalo lang ako nahu-hurt sa katotohanan na wala akong panama kay Andrea.

Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako sa kaiiyak.

x - - - - - - - - - - x

Kinabukasan nagpasama sa akin si Jessica na mag-shopping. Dumating daw ang bonus niya sa trabaho kaya heto't namimili siya ng kung anu-ano. Hindi ako mahilig mamili pero para na rin mag-unwind at makalimot panandalian ay sumama ako. Hindi ko na rin kinwento pa sa kanya ang nakita ko kahapon dahil baka umusok na naman ang ilong niya't sugurin sina Andie at Cedric.

"Ikaw ba, friend? Ayaw mo talagang mamili? Ang gaganda ng mga dress dito, oh!" sabi ni Jess sa akin habang nasa isang boutique kami. Abalang-abala siya sa pagtingin-tingin ng mga bestida.

Umiling ako. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyang klase ng mga kasuotan."

Nag-pout siya. "Eh bagay naman sa'yo e! You know what, pang-model 'yung katawan mo! Your height as well tapos ayaw mo magsuot ng mga skimpy tops at dresses? Gosh, kung ganyan ang katawan ko lagi akong magsusuot ng mga ganito."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Kung pwede lang tayo magpalit ng katawa, pwedeng-pwede. Oh ano? May bibilhin ka ba dito? Nagugutom na ako."

Nagkibit-balikat lang siya tapos hinila niya ako at lumabas na ng boutique. "Ayoko na e, I changed my mind. Masyadong mahal! Hindi na kakayanin ng poorita kong budget."

"Kaka-bonus mo lang, Jess ha. Ililibre mo pa ako 'di ba? May bagong bukas na French Restaurant sa lower floor. Doon na lang tayo kumain." I said to her and she gladly obliged.

Mabuti na lang at hindi grounded 'yung resto kasi pakiramdam ko ang uneasy sa akin kung crowded ang paligid at maingay.

"Oh my gee, friend!"

Bigla akong napatingin kay Jess sa reaction niya na parang gulat na gulat. Bakit? What happened?

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Nanatili lang siyang gulat sa nakita niya at hindi ako sinagot. Napatingin ako ngayon sa direksyon ng mga mata niya.

"Fvck." I know cursing is not my thing but this instance let me did it!

"Ang kapal ng mukha ng dalawang 'yan!" react ni Jess. Tumayo siya para sugurin sila... Yes sila. Sina Andrea at Cedric. Damn, bakit ba lagi ko na lang sila nakikita? Peste namang tadhana 'to!

"Jessica, 'wag kang mag-eskandalo. Pabayaan mo lang sila." pinigilan ko siya sa braso at pinaupo ulit siya. Mabuti na lang at sa kabilang wing sila ng restaurant kaya hindi nila kami napansin.

Para kaming mga detective na nagtatakit ng menu na nakapatong sa table na umaasang hindi kami mapansin at mahalata na nandito kami ni Jessica.

"Ang weird natin friend, ibaba mo na nga 'yan." naiirita niyang ibinaba 'yung menu at ibinaba niya rin 'yung sa akin. "Parang tayo tuloy 'yung nagchi-cheat. Pwe. Do you still want to stay here?"

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon