- quatrième -

1.1K 30 8
                                    

TWT's NOTE: Hi guys, you can check the personal blog for Your Boyfriend Sucks on tumblr! We can follow each other there! External link for the blog :))

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend Sucks

written by toneewritestragedies

- quatrième (regardless of everything)

x - - - - - - - - - - x

"So you're going to enter MBA, honey?" sabi ni Cedric sa akin over the phone. Break time kasi nila ngayon sa review center at ako naman ay naglalakad sa Bradford SOM para lakarin ang requirements ko. Nakapasa ako sa interview at exam last week.

"Yep. 'Di ako makapaniwala na papasukin ko ang mundo ng business. Kung 'di lang dahil 'yung Zurich Artistry ang ima-manage ko,hindi ako papayag."

"Galingan mo, Sasha. I know you can do it."

Napangiti ako sa kabilang linya kahit na alam kong hindi niya makikita ang reaksyon ko. "Salamat. Ikaw din galingan mo para magkaroon na ako ng asawang architect."

"Oo naman! Papasa ako para sa'yo, honey. I love you."

"I love you too."

Pagka-end ko ng linya, nagpunta na ako sa registration office para ipasa ang iba ko pang credentials. Bayad na rin ako sa tuition fee kaya inaantay ko na lang 'yung schedule ko.

"Reimi Suri Shadows, please?"

Narinig ko 'yung pagtawag sa akin ng staff ng registrar. Lumapit ako sa table niya at nginitian ko siya.

"Ito po 'yung schedule niyo pati list ng professors at room number." sabi nung babae sa akin.

Ini-scan ko muna 'yung papel para tignan 'yung schedule ko. M-W-F ang pasok ko from 12pm to 5pm. Hmm, pwede na. Nag-full load na rin ako para matapos ako sa masteral in two years dire-diretso.

"May tanong po ba, Miss Shadows?"

Umiling ako tapos ngumiti. "Wala na, Miss. Salamat."

Tumalikod na ako para lumabas na sa registrar's office pero may nabangga akong lalaki. Nag-sorry kami sa isa't isa. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nagulat ako kasi ang tangkad niya! Mas matangkad pa siya kay Cedric.

Nilagpasan niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad sa direksyon niya, ako ay ganun din para lumabas ng registrar's office. Napailing ako sa nakita ko. Ang laki niya kasing eksena e.

T-in-ext ko sina Jess at Andie na magkita kami sa paborito naming coffee shop. Na-miss ko na kasi sila e. Kaso si Jess lang ang nakapag-reply na pupunta dahil rest day naman niya sa trabaho sa isang advertising company. Ewan ko naman kay Andie dahil 'di siya nag-text back. Busy yata siya.

"Friend! I missed youuu. Grabe, big time ka na talaga! Magma-masters ka na. You already!" asar sa akin ni Jessica nang magkita na kami sa coffee shop malapit sa Rockefeller.

Nagyakapan kami tapos nag-beso bago umupo sa pwesto namin sa couch.

"Ako din na-miss kita. Hay, kung hindi lang naman kasi 'yung Artistry ang ipapa-manage sa akin ng Dad ko ay hindi naman ako papayag. Kinakabahan ako sa Masters pero sana ay makayanan ko."

"Ikaw pa, kaya mo 'yan. Lahi kayo ng matatalino e." nag-wink siya sa akin.

"Ano'ng lahi. Sila lang 'yun ano. Ako hindi naman."

"But you're talented much. Kasama na 'yun ano."

Nagkibit-balikat ako bilang sagot.

"Ay, ewan ko sa'yo Sasha, wala ka talagang confidence sa sarili mo e. Tara na nga't mag-order para masarap ang chika natin." aya sa akin.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon