- trente et unième -

690 24 13
                                    

- trente et unième (missing in action) -


Regular ang check up ko sa OB-Gyne, at ngayon kasama ko na si Paris pag pupunta kay Doc Tiu, pakiramdam ko parang happy family kami. Medyo kasi maselan ang pagbubuntis ko dahil underweight ako kaya kailangan kong mag-gain ng weight at mag-exercise para maging healthy kami ni baby. Excited kami ni Paris, at the same time kinakabahan din kasi gawa nga nitong medyo mahirap ang first trimester ng pregnancy ko pero kakayanin.

Katatapos ko lang magtimpla ng kape gamit 'yung coffee maker at hinaluan ko ng gatas para mas masarap tapos pumunta na ako sa couch at ipinatong 'yung mug sa center table. "Mag-kape ka muna." sabi ko kay Paris habang busyng-busy siya sa pagre-review para sa nalalapit niyang Bar Exams.

"Thanks." tinignan niya lang 'yung mug tapos nagpatuloy lang sa pag-aaral. Nakasalampak siya sa floor samatalang ako ay nakaupo sa couch. Mag-three months pregnant na ako nang tumira ako dito sa condo ni Paris. Medyo nakakapanibago lang kasi ngayon dahil hindi na 'yung pamilya ko ang kasama ko kundi 'yung magiging ama ng batang dinadala ko.

Nakatingin lang ako sa ginagawa niya ng mga halos thirty minutes at 'di ko rin maiwasang humikab kasi hindi rin kami nag-iimikan. Napatingin ako sa tasa ng kape at hindi pa niya nababawasan iyon. Talagang busy nga siya.

Tumayo ako at lumapit sa bintana at binuksan ang blinds para kahit paano makapasok ang sinag ng araw dito sa bahay at saka maaga pa naman kaya wala pang masyadong UV rays 'di ba?

"Ano ba 'yan, Sasha! Nasisilawan ako dito! Ibaba mo muna 'yang blinds."

Napapitlag ako sa sinabi ni Paris. Nilingon ko siya at nakita kong sinalag niya ng braso niya ang tapat ng mukha niya dahil sakto sa kanya 'yung sikat ng araw. Agad kong ibinaba 'yung blinds at saka nag-bow. "Sorry."

Tinignan niya lang ako tapos nagpatuloy ulit sa pag-aaral niya. Dahil ayokong maka-istorbo sa kanya, pumasok na lang ako sa kwarto at nag-ayos ng sarili. Nakakabato dito sa loob ng bahay kaya nag-decide na lang ako na pupunta sa yoga class para sa mga buntis para makapag-exercise, tutal 7am pa lang naman at makakahabol pa ako sa 7:30am class.

Paglabas ko sa kwarto, saktong umangat ang tingin ni Paris. "Saan ka pupunta?"

Napaisip ako sa tanong niya. Ayaw niyang mag-yoga class ako dahil delikado nga daw pero sabi ng OB-Gyne ay pwede dahil maganda naman daw ito para sa health namin ni baby basta daw ba hindi ako mahihirapan sa mga gagawin ay wala naman daw problema. Pero ayoko pa ding sabihin kay Paris na sa yoga class ang punta ko dahil baka pagalitan niya ako. Pero gusto ko talagang mag-yoga e!

"Ahm, magkikita kami ni Jessica." sabi ko sa kanya nang hindi nakikipag-eye contact. Bahala na!

"Magkikita na naman kayo? Hindi ba pumapasok si Jessica sa trabaho niya?" salubong ang kilay na tanong sa akin ni Paris.

"Umalis na siya sa Ad company na trabaho niya. Sa ibang company na siya ngayon nagwo-work para sa Papa niya. Wala siyang pasok ngayon. Babalik naman ako before lunch time." I made him assure na babalik agad ako kasi baka mainis na naman siya. Recently kasi since lumipat ako dito at nagstart na siyang mag-intensive review para sa Bar Exams ay medyo naging hot-headed na siya at saka mabilis magalit.

Tumango siya tapos naging abala na naman sa mga ginagawa niya. I sighed due to that relief then I went out of the unit. Paglabas ko sa tower, pumara na ako ng taxi papunta doon sa Yoga class. Mabuti naman at hindi ganoon ka-tagal 'yung byahe kaya makarating ako on-time.

"You're here, Sasha! Good to see you!" sabi sa akin ng yoga instructor na si Leinnie.

Nginitian ko siya bilang pagbati sa sinabi niya. "I came here on time. Thank you for accommodating me."

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon