- deuxième -

1.3K 38 6
                                    

TWT's NOTE: Sorry for the delayed updates, babies! Actually nasa chapter 6 na ako ng story pero second chap pa lang ang inuupload ko hihi :3 Thank youuu! Short update pala itey xx Nga pala, picture nina Suri at Cedric at the side -->

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend Sucks

written by toneewritestragedies

- deuxième (likeness of a kind) -

x - - - - - - - - - - x

"Hey, Suri. Okay ka lang ba, girl?"

Napapitlag na lang ako nang kalabitin ako ni Jessica mula sa likuran ko. Ewan ko, parang wala ako sa sarili ko. Simula kasi nang makausap ko si Cedric doon sa botanical garden, hindi na siya mawala sa sistema ko. Kahit gaano pa ako magpilig ng ulo ay hindi talaga siya matanggal sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ba ito nangyayari sa akin!

Pagkatapos kasing mangyari iyon ay naging madalas na ang pag-uusap namin ni Cedric kung magkakasalubong kami sa hallway o sa cafeteria. Pakiramdam ko nagkaroon ng kulay ang buong tatlong taon ko dito sa University dahil sa kanya. Alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin at ayoko namang umasa sa kung anuman ang nararamdaman niya para sa akin.

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. "A-ayos lang naman ako." Nag-focus na lang ako sa pag-drawing sa canvass.

"Wala ka sa sarili mo, friend. In love ka ba?"

Halos maibuga ko 'yung ininom kong iced tea kanina dahil sa sinabi ni Jess. Yumuko lang ako at 'di ipinakita sa kanya ang mukha ko dahil for sure namumula na ako at lalo pa niya akong aasarin!

"H-hindi ah." umiling ako.

"Eh ba't namumula ka?"

Napa-diretso ang tingin ko sa kanya at umiling muli. "Hindi ako namumula. S-sinisipon lang ako kaya namumula ako." tapos yumuko ulit ako at nag-drawing.

Nag-cross arms si Jessica. "Huh, sino'ng niloko mo? You're not you. That only means you're in love!"

"Hindi nga ako in love--"

"Ahhhhh~!"

Natigilan kami ni Jess sa pag-uusap nang makarinig kami ng tilian ng mga estudyante.

"Ano'ng nangyari?" tumayo si Jessica mula sa desk niya tapos lumabas saglit sa may hallway para tignan ang komosyon. Hay, feeling ko may pinagkakaguluhan na naman silang soccer player or 'yung mga taga men's swimming team.

Bumalik siya sa pwesto niya sa tabi ko na nagtitili at kinikilig.  Huh? Nakakahawa ba ang paglabas doon sa may hallway?

"Suri! Oh my gosh! Magha-hyperventilate yata ako!" halos mangisay sa kilig si Jessica habang hinihila-hila ang braso ko. Muntik ko nang masulatan ng mga linya-linya ang canvass dahil ang gulo niya.

Inilayo ko sa kanya ang braso ko at nagpatuloy sa pagguhit. "Tigilan mo nga ako Jessica. Ano ba 'yang pinag-iingayan niyo dyan?"

"Don't you have any freaking idea?" sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay.

Umiling lang ako. "Wala--"

Pero bago pa ako makasagot ay nakita kong nakatayo sa doorway ng classroom si Cedric. Hala, ano'ng ginagawa niya rito?

Napansin ko na din nagtitilian ang mga classmates kong babae kasama ni Jessica. Lumapit si Cedric sa akin na nakangiti. Naramdaman ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko. Dumadagundong. 'Yung halos hindi ko na marinig ang ingay sa paligid.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon