- dix-neuvième -

1K 27 9
                                    

dix-neuvième (selfish feelings) -

"I love you, Sasha. I'm missing you like hell." sabi sa akin ni Lyle habang magka-Skype kami ngayon. One hour ang difference ng time zone natin sa kanila at siya naman ay patulog na dahil marami pa raw siyang aasikasuhin kinabukasan kaya maaga siyang matutulog.

Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya at k-in-iss ko ang monitor ng laptop. "Ako rin, sobrang miss na miss na miss na kita, Lyle. I can't wait to be with you here when you come back."

"Yes, me too. I'm still not sure when I'll be home but I'll definitely let you know, a'right?"

"Okay, I love you." sabi ko sa kanya ng buong puso.

"I love you, more."

Matapos ang ilang mensahe, nagkapaalaman na kami ni Lyle at ako naman ay sumalampak sa kama at nakatingala sa kisame na may paint ko ng galaxy. At ito na naman, bigla ko na namang naisip si Paris. Haay, ang lalaking iyon. Dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula nang huli kaming magkita. He ended up our friendship and I haven't seen him nor heard anything about him. Sadyang mailap siya at hindi na muli pa nagpakita sa akin. Namimiss ko siya. Aaminin ko iyon, namimiss ko ang company niya at kung paano siya mag-react, magsalita, lahat. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigang lalake kaya parang nanibago ako nang tigilan ni Paris ang friendship namin. Pakiramdam ko, pagkatapos niyon ay bumalik na naman ako sa dati kong buhay: loner at weak.

Sa mga araw na pumupunta ako sa Bradford para pumasok sa MBA classes ko, sinasadya ko talagang dumaan sa Maryknoll Building kahit alam kong out of the way 'yun sa building namin pero ni anino ni Paris, hindi ko nakita. Nahihiya naman akong magtanong sa mga classmates niya kasi baka iba ma-bully na naman ako tulad dati.

x - - - - - - - - - - x

"Grabe naman 'yang si Paris! Na-broken hearted lang sa'yo, nakipag-break na ng friendship! Hindi ko siya ma-take." magkasama kami ni Jessica ngayon at nandito kami sa kwarto ko, slumber party lang naming dalawa. We missed doing this, college pa kasi ang huli naming slumber party, of course kasama pa noon si Andie. Ugh, so much about that.

Nagkibit balikat lang ako at tinignan si Jessica habang umiinom ako gatas sa baso. "Ewan ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung ano'ng problema niya at ayaw niya na akong maging kaibigan."

"E kasi nga friendzoned mo siya, siguro tanggap na niya ang defeat niya kay Lyle pero kasi siguro the more na nakikita ka ni Paris, lalo siyang naiinlove sayo at hindi maka-move on kaya iniwasan ka na niya." paliwanag naman ni Jess.

"Haay, 'di ko na alam ang gagawin ko. Siya pa naman ang una kong naging kaibigang lalaki tapos nawala naman." sabay talumbaba.

Kinalabit naman ako ni Jessica tapos tinapunan niya ako ng nang-uuyam na tingin.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin, gusto mo rin si Paris ano?"

Napaatras ako sa headboard ng kama sa tanong niya sa akin. Ano'ng sinasabi niyamg gusto ko si Paris? Hay nako, si Jessica talaga!

"Imposible 'yang sinasabi mo, Jess. Mahal ko si Lyle, imposibleng magkagusto ako kay Paris. Oo, gusto ko siya - pero bilang kaibigan lang. Kaibigan lang!"

"Wushu, eh bakit ang defensive mo yata?" tapos nginitian niya ako nang pang-asar.

Ugh! Ano bang sinasabi niya? W-in-ave ko ang dalawang kamay ko at umiling sa sinabi niya. "I'm not being defensive, Jess. Sinasabi ko lang ang totoo."

"Eh bakit naiisip mo si Paris?"

"H-ha? E siyempre kaibigan ko siya e, malamang maiisip ko siya dahil bigla na lang ayaw niya na akong maging kaibigan."

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon