- vingt et unième -

942 29 8
                                    

vingt et unième (the v-day) -

Ang araw ay naging mga linggo at ang mga linggo'y naging mga buwan. Sa lumipas na anim na buwan, ang dami nang nangyari sa buhay ko simula nang pumasok ako sa Bradford School of Management. Nag-break kami ni Cedric, naging ka-trabaho ko siya sa itinatayong Zurich Artistry. Nakita ko uli si Lyle pagkatapos ng pitong taon, na-in love kami sa isa't isa; umalis siya papuntang South Korea pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya umuuwi para maging final nang kami kaso dahil sa mga hindi inaasahang takbo ng mga bagay bagay, nakilala ko si Paris. Naging mabuti kaming magkaibigan. Our friendship goes thru ups and downs with that span of time. Na-in love siya sa akin pero ako naman ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kanya.

Pumasa ako sa first semester ng first year ng MBA degree ko at ngayon namang nasa second sem na ako, challenging ang mga subjects at kailangan kong ayusin ang pag-aaral para hindi ako bumagsak. Hay, nakakahiya kaya sa pamilya ko kung babagsak ako kaya ginagawa ko ang best ko para pumasa.

"Friend, ano? Sama ka sa birthday ni Paris? Bukas na 'yun." tanong sa akin ni Jessica habang magkasama kami sa Dell Park. Ahm, third wheel nga pala ako sa date nila ni Brook. Ito talaga si Jess parang ang haba ng buhok e, dati patay na patay siya kay Taeyang pero nag-iba yata ang ihip ng hangin dahil sila ni Brook ang laging magkasama. 'Pag tinatanong ko si Jessica kung sila na ba pero sabi niya hindi daw. Kapag si Brook naman ang tinatanong ko, hindi naman niya alam. Mga love birds nga talaga, oo.

Nagkibit-balikat lang ako habang nakatingin sa mga batang nagro-roller blades sa paligid. "Hindi naman invited kaya hindi ako pupunta."

"Ano ka ba, Sasha. 'Matic na 'yun ano. Special someone ka ni Fuji kaya malamang kasama ka sa mga invited." sabi ni Brook sa akin.

"Tama si Brooklyn, Sash. Sa lakas ng tama nun sa'yo imposibleng hindi ka kasali sa mga invited!"

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, si Paris ang tumatawag. Sumakto pa talagang siya ang pinag-uusapan huh.

"Si Paris/Fuji? Ayeee!" sabay na sabi nung dalawa sa akin kaya napanguso na lang ako at nagsalubong ang kilay sa reaksyon nilang dalawa.

Tumayo ako saglit sa pumwesto sa medyo tahimik na lugar para magkaintindihan kami at para hindi mag-eavedrops sina Brook at Jessica. Tutal date naman nila 'yun kaya mas maganda kung solo lang nila ang isa't isa.

"Hello?"

"Oy, Sasha. Nasaan ka? Kasama mo ba 'yung dalawa?" alam kong sina Brook at Jess ang ibig niyang sabihin.

"Ahm, oo. Nandito kami sa Dell Park. Bakit? Pupunta ka rin ba dito?"

"Hindi. Susunduin kita sa Banapple. Magkita tayo."

Ano na naman ang binabalk nitong si Paris at gusto niyang magkita na naman kami? "E-eh? Bakit?"

"Kailangan pa ba ng dahilan kung bakit gusto kitang makita? Malamang namimiss kita e." pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya.

"Hindi ako pwede e." pagsisinungaling ko. Sorry Paris kung ako naman ngayon ang medyo umiiwas sa'yo. Hanggang ngayon kasi wala pang kaalam-alam si Lyle 'yung tungkol sa amin ni Paris. Hindi ko rin naman masabi na 'amin' dahil in the first place, hindi naman kaming dalawa pero naiinis lang ako sa sarili ko na napa-oo niya ako nang tanungin niya ako kung mahal ko siya. I am actually being betrayed by my own actions.

"Hindi pwedeng hindi ka pwede. Nasa Dell park ka 'di ba, eh 'di ako ang susundo sa'yo dyan." more like a command at hindi pakiusap ang pagkakasabi niya sa akin. Arrgh, ang kulit niya talaga!

"P-pero--"

Hindi ko na naituloy pa 'yung sinasabi ko sa kanya dahil binabaan na niya ako ng phone.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now