- pré- défilé -

3.2K 66 4
                                    

"Sa tingin mo ba, kung kasing professional rin ako ni Lyle na Masters prefessor mo, bo-boyfriend-in mo rin ba ako? Kung kasing talino at kasing-yaman niya ako, ako ang pipiliin mo? Tangina, Sasha. Ako na lang! 'Wag na siya!" putangina talaga, ngayon lang ako umiyak at nag-drama sa buong buhay ko--sa isang babae pa. Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw ako sa kanya. Simple lang siya at tahimik na babae, weirdo din. Pero hindi ko malubos-maisip na may capabilities pala akong magmahal. Lechugas na buhay 'to, akala ko robot ako e!

Umiiyak lang siya habang hawak ko ang braso niya. Shit, gusto ko siyang amuin pero ako ang dahilan ng pag-iyak niya, ang sarap suntukin ng sarili ko! 

"I'm sorry, hindi ko alam, Paris. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko!" bumitaw siya sa pagkakahawak ko at pinahid niya ang mga luha galing sa mata niya na dapat ako 'yung magpupunas ng luha niya e.

"Gaguhan ba tawag dito? Pwes, kung 'di mo maintindihan ang sarili mo, ako mismo ang iintindi sa'yo. Mahal kita, Sasha. Maniwala ka. Mukha lang ako loloko-lokong taong walang pakialam sa mundo, pero promise, patutunayan ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Hindi mo ba mahalatang nakakapagsalita ako ng mga ganito ka-corny-ng salita? Kinaya ko para sa'yo. Please, 'wag mo siyang sagutin. Ako na lang ang piliin mo." bwisit, pakiramdam ko naiiyak na rin ako e. Ang sagwa talaga pero hayaan niyo na, minsan lang ako maiyak.

Hindi siya nagsalita. Anak ng teteng, sa haba ng nilitanya ko wala man lang siyang sinagot ni isa. Pota. Kaya kita mahal, Suri Shadows e! Kakaiba ka, parehas tayo. Rare lang din sa mundo ang tulad ko.

"Ano? Wala ka bang sasabihin? Kahit, crush kita Paris o kaya type kita Paris? 'Yun lang. Very basic. Nganga na lang ba?" shet, nauubusan na ako ng pasensya sa babaeng 'to! Pasalamat ka, mahal kita! Sa inis ko, ginulo ko na lang ang buhok ko. 'Wag lang niyang sabihing friendzoned ako, magpapatiwakal ako. Joke lang.

"Gusto kita, Paris. Pwede na ba 'yun? Masaya ka na?" mahina ang pagkakasabi niya, pero tangina, rinig na rinig ko! Pakiramdam ko teenager ako ulit sa kilig na nararamdaman ko. Malamang sa oo, kaming mga lalaki ay kinikilig din!

"Seryoso ka ba?" tanong ko uli sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" parang nahihiya siya na ewan, well ganito naman talaga si Sasha simula nang makilala ko siya e. Akalain niyong magkakagusto rin pala sa akin 'to?

"Hindi naman. Tangina, tayo na ba?"

"Saan?"

Napakamot na naman uli sa ulo ko. Ang slow talaga ng babaeng 'to! "Wala tayong pupuntahan. Ang ibig kong sabihin, mag-boyfriend-girlfriend na ba tayo? 'Yun!"

"Ha? Ayun ba? 'Di ba dapat ligawan mo muna ako bago tayo maging mag-boyfriend?" inosenteng tanong niya sa akin. Relax lang, Paris. Ang babaeng nasa harapan mo ang future mo. Inosente 'yan at naive, 'di tulad mong gago at bulakbol--AT matalino rin pala. Sige, isama na 'yan.

"Hindi na uso 'yun ngayon. It's either yes or a no. Ano? Tayo na 'di ba? Sagutin mo na ako, Suri Shadows. Dali, bilis na!"

Tumawa siya ng mahina. "Sabi ng kapatid ko, magpaligaw daw muna ako. So, ligawan mo ako Paris."

Facepalm. Anak ng detupa oh. "O siya, siya sige. Liligawan kita, tutal sa akin pa rin naman babagsak e." Huh. Ako pa ba? Kailangan ko nang ilabas ang mga malapit nang mangalawang kong mga the moves!

"Baka naman ikaw ang bumagsak sa Bar Exams mo sa kakaligaw mo sa akin ha." asar niya sa akin. Yes! Napangiti ko siya. Kinginaaaaaa~ Kilig tumbong ko pero bigla naman akong natigilan. LECHE! May pre-exams pala ako ngayon sa Bar, muntik ko nang malimutan!

"Oo nga ano!? Sige, Sasha kita na lang tayo. Itetext kita mamaya ha. Bawal manglalake, okay?!" sinukbit ko agad 'yung bag ko sa isang balikat ko at saka tumakbo papunta sa Examinations Room. Late na naman ako nito! 

Pero bago pa ako makalayo sa kanya, bumalik ulit ako at lumapit sa kanya, napasobra pa nga ang lapit ko, okay lang. Mabango naman ako. Hinalikan ko siya sa noo. "Good luck kiss lang, I love you." tapos tumakbo na ako ulit.

Mamaniin ko 'yang pre-Bar exam at yang Bar Exams na 'yan. Patay kayo sa akin, ito ang nagagawa ng mga in love at inspired, tumatalino lalo!

PS. Kahit oral Bar Exam pa 'yan, sisiw lang 'yan sa akin!

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon