- trente-quatrième -

684 21 1
                                    

- trente-quatrième (choose your freedom) -

"I'm sorry, Sasha. You had a miscarriage. We've lost our baby."

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko kay Paris. It can't be possible. We can't lose our baby. Napahawak ako sa tiyan ko at naramdaman ko na parang wala nang umbok doon. Awtomatikong tumulo ang mga luha ko.

Niyakap ako ni Paris ng mahigpit. "Sorry, Sasha. I know it really hurts that we've lost our first child. Napaka-iresponsable ko talaga."

Iyak lang ako ng iyak at hindi ko na kaya pang magsalita sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Why does it need to happen? Naging masama ba akong ina? I'm trying to be a good mother as I can but I can't take this pain. It's like almost half of my life was taken away from me. Do I deserve to lose something important to me?

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon ni Paris. No one even dared to speak. Ganito ba ang pakiramdam ng nawalan ng anak? Parang gusto mo na ring mawala na din...

"I'm here, Sasha. I won't leave you. I'm sorry. I'll make it up to you.." kumalas si Paris sa pagkakayakap namin at hinalikan niya ako sa noo. Nakatingin lang ako sa kanya tapos pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Paris, ang hirap. Hindi ko matanggap..."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya natin 'to. Siguro hindi pa panahon na magka-anak tayo pero makakapag-produce ka pa rin naman ng baby pagkatapos ng isang taon, Sasha. 'Wag kang mag-alala. Hindi naman kita iiwan."

'Yung kaluluwa ko parang nakahiwalay sa katawan ko, hindi ko alam kung paano mag-move on dahil kasi hindi naman madaling tanggapin 'to agad. Lord, why does this need to happen?

"Alam na ba 'to ng parents ko at saka ni Mikko?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Nag-long distance call ako sa Sicily, Italy at sa New York. Uuwi daw sila para sa'yo. Sinabihan ko na din ang parents ko at si Georgie kaso 'yung siya lang ang makakapunta dahil masyadong busy sila sa trabaho pero tatawagan naman nila tayo mamaya para kamustahin ka."

Nakatingin lang ako kay Paris sa sinabi niya. Sa ilang saglit, dumating na 'yung doktor at nurse at binigyan ako ng gamot para pampalakas ng katawan tapos binigay 'yung findings mula doon sa miscarriage ko. Ang sakit pala sa puso nang malaman mo 'yung talagang nangyari. Gustuhin ko mang takpan ang tenga ko pero kailangan kong malaman 'yung totoo.

Pagkatapos nun, pinagpahinga na lang ako sa hospital bed. Nakahiga lang ako buong maghapon, 'pag naaalala ko 'yung sinabi ni Paris na nakunan ako, hindi ko mapigilan ang maiyak na lang.

"Friend, pupuntahan kita dyan bukas. I'm sorry, I can't come today kasi busy ako sa trabaho. OT ako ngayon. Pero ipapaalam ko na 'to kay Brook na pupunta kami bukas. Just be strong okay?" tinawagan ako ni Jess nang malaman niya na nakunan ako. Siya pa naman ang gustong maging ninang nung dapat sana na first-born namin ni Paris.

Napabuntong-hininga ako nang maisip ko 'yung baby. "Salamat, Jess. Maaasahan ka talaga. Yes, I'll try my best to be strong." sinusubukan kong i-cheer up ang sarili ko pati ang tono ng pananalita ko pero hindi ko talaga kaya.

"See you, okay? Ikumusta mo na lang kami ni Brook kay Paris."

"Sure, makakarating. Salamat, Jess."

x - - - - - - - - - - x

Kinabukasan, nakarating na si Georgie pati na ang family ko para bisitahin ako. They all felt sorry for the loss. Nanghihinayang man sila pero chini-cheer up nila ako para makapag-cope up sa nangyari. They said it's not yet my time to bear a child but then it'll then come if it's really meant for us to build up a family.

Si Paris naman, hindi siya umaalis sa tabi ko sa buong panahon na nandito ako at nagpapalakas sa ospital. Mayroon pa kasi akong galos at pilay dahil doon sa aksidente kaya medyo bed ridden ako at may neck brace pa. Bumawi siya sa akin, literally. I've seen the guilt through his words and actions for what happened to me and to the baby. Nagsisisi siya dun sa mga panahon na parang nababalewala niya ako sa ka-busy-han niya sa pag-aaral sa upcoming bar exams niya pero napunta lang sa wala kasi hindi siya natuloy at sinisisi ko ang sarili ko dahil doon. Haay, lalo lang nakakapagpadagdag sa mabigat na nararamdaman ko ito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Paris matapos niyang pahiran ng cream 'yung mga galos ko sa binti at braso. 9pm na at nagpre-prepare na kaming matulog.

"Medyo maayos naman na ako. Kailan daw tayo uuwi?"

"Sabi ng doktor, pwede na daw bukas. At saka pwede nang tanggalin 'yung neck brace mo pagkatapos."

Nakatitig lang ako kay Paris, siya pa rin 'yung lalaking minahal ko ng sobra. Kahit na medyo parang mas naging haggard siyang tignan dahil wala siyang kumpletong tulog at hindi pa siya nakakapag-ahit ng bigote at balbas niya, siya pa rin ang pinakamamahal ko.

"Oh bakit? May dumi ba ako sa mukha?" natatawang tanong niya sa akin.

Umiling lang ako at nanatiling nakatitig sa kanya. "Paris, nanghihinayang ka ba na hindi ka natuloy sa bar exams?"

Kumunot ang noo niya tapos marahang umiling. "Hindi ko na iniisip 'yun, Sasha. May next time pa naman, o kaya next year. Makakapag-take din ako."

"Pero gusto mo nang makapag-exam 'di ba? I'm really sorry kung naging pabigat ako." yumuko ako. Pinipigilan kong maiyak na naman. I've been dumb and very emotional these days. What's happening to me?

Inakbayan niya ako at tumabi siya sa akin sa hospital bed. "Ano'ng pabigat? Karma na rin sa'kin to dahil nabalewala kita."

"I'm sorry kung na-disappoint kita. We've lost our baby, hindi ka nakapag-exam. These really frustrates me."

"'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Ang mahalaga ay 'yung ngayon kaya magpalakas ka na lang. 'Yan na lang dapat mong gawin. Okay ba 'yun?" sabi niya sa akin habang nakangiti tapos hinalikan ako sa may bandang sentido ko.

Pero bakit ganoon? Kahit gaano pa niya ako in-assure na okay ang lahat, parang hindi pa rin. Parang nasaktan ko din siya.

x - - - - - - - - - - x

Nagising ako nang 6am, tinignan ko si Paris na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Malaki naman ang kama kaya nitong mga nakaraang araw ay tabi kami ni Paris matulog dito sa hospital bed. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at tinignan siya nang makatayo ako. Hinaplos ko ang ulunan niya tapos hinalikan siya sa noo niya.

Nagsulat ako sa maliit na papel tapos ipinatong sa side table at saka lumabas na ng room.

Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha ko pero pinigilan ko dahil baka magka-nervous breakdown pa ako. Huminga na lang ako nang malalim at saka nagsimulang maglakad.

Habang dahan-dahan akong naglalakad, naisip ko na naman 'yung note na sinulat ko para kay Paris. I'm sorry but I just needed to do this. Ayoko nang maging pabigat sa'yo.

- x x x x x x x x x x -

Paris,

Let's finish everything what we have at this point. Let's break up. I'm sorry.

Suri Shadows

- x x x x x x x x x x -

I love you, Paris and I'm sorry for hurting you.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon