- vingtième -

923 29 2
                                    

TWT's NOTE: Halfway of the story na guys! :DD Ang bilis! HAHA. No wonder mabilis kong matatapos 'tong third installment ng My Super Boyfriend Series ^_^

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend Sucks

storyline by toneewritestragedies

vingtième (please, me) -

x - - - - - - - - - - x

Pinaharurot ni Paris ang kotse niya sa kahabaan ng kalsada. Sumunod na lang ako sa kanya habang hila-hila niya ako sa kamay ko. Wala ni isa man sa amin ang nagsasalita habang nasa loob kami ng sasakyan. Basta ang nararamdaman ko, malakas ang tibok ng puso ko at kabado na rin at the same time kasi ngayon ko lang nakita si Paris na ganito ka-seryoso at parang galit pa siya sa akin. Nahihiya naman akong maunang magsalita dahil baka ma-sopla niya lang ako't mapahiya pa.

Haay, ano na ba 'tong ginagawa ko? Gulong-gulo na ako!

Nagulat ako nang makita kong i-p-in-ark niya ang kotse niya sa isang lower ground parking lot ng isang kilalang hotel tapos dali dali siyang lumabas mula rito at pinagbuksan ako ng pinto.

"Bumaba ka diyan." seryosong sabi niya sa akin.

"H-ha?" ninenerbyos ako, 'di ko na alam ang mga sasabihin ko.

"Sabi ko bumaba ka dyan." hinila niya ako sa kamay ko dahilan para makalabas ako ng kotse.

Hawak-hawak pa rin niya ako sa kamay habang papasok kami sa lobby ng hotel. Magiliw naman kaming binati ng hotel staff at lumapit si Paris sa front desk para kausapin ang receptionist doon.

"Isang presidential suite, Miss." tapos inilapag ang kanyang credit card doon sa reception table.

Tinignan ko siya habang magkasalubong ang aking mga kilay. Ano bang plano niya at kailangan dito pa kami pumunta?

Matapos niyang pumirma at makuha ang keycard ng suite, nilingon niya ako.

"Magche-check in ka lang pala kailangan mo pa ng chaperone. Uuwi na ako, Paris. Pagod pa ako galing school." nag-bow ako ng bahagya sa kanya tapos tumalikod na ako at nag-martsa palabas ng hotel pero hinigit na naman ako ni Paris. Ngayon sa beywang ko naman at ipinlit niya akong maglakad papaunta sa high-rise level elevator.

Sinusubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.

"Paris, ano ba? Bakit mo ako sinama dito? Gusto ko nang umuwi."

"Pagod ka 'di ba? Eh 'di dito ka magpahinga." pabalang pa niyang sinabi habang nakahawak ang isang kamay sa beywang ko at ang isa naman ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

"P-pero ba't kailangang sa hotel pa? Iuwi mo na lang ako sa amin mas mabuti pa."

Sa ilang saglit lang ay nakapasok na kami sa elevator. Ayun nga lang, kami lang ang dalawa dito kaya walang makakarinig sa pinag-uusapan namin. O kung nag-uusap ba talaga kami o nagtatatalo. Ewan ko na.

"O sige, iuuwi kita sa inyo at malamang magtatanong ang pamilya mo kung bakit ibang lalaki ang kasama mo gayong nasa abroad ang ka-MU mo habang iniisip ka at umaasang magiging kayo pagbalik niya. Gusto mo ba ng ganoong ka-kumplikadong bagay ha?"

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya hanggang sa nag-hudyat na ang elevator para sabihin na nasa tamang floor na kami. Bumitaw siya sa akin tapos umuna na maglakad patungo sa suite at ini-swipe ang card doon. Pagbukas niya ng pinto, inilahad niya ang kamay niya sa doorway.

"Pumasok ka na."

"Paris--"

"'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." hinila niya ako papasok sa suite at ganoon rin siya.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon