- trente-troisième -

662 22 4
                                    

- trente-troisième (losing chances) -

"Bukas na ang bar exams ko. Uuwi ka ba dito? Susunduin kita dyan sa bahay niyo."

I just remained silent on the other line after I heard Paris' voice. Nawala sa isip ko na bukas na pala ang bar exams niya at dito na ako naka-stay sa bahay namin for few weeks.

"Hello, Sasha. Naririnig mo ba ako?" tawag niya uli sa atensyon ko kasi hindi ko siya sinagot agad sa sinabi niya kanina.

"Ako na lang ang pupunta diyan, magpapahatid na lang ako sa driver. Maaabala pa kita. After lunch, nandyan na ako." sabi ko sa kanya.

"Are you sure? Ayos ka lang magpahatid?"

"Yup. Okay lang ako."

"Sige, hihintayin kita."

"See you later, I miss you--" bago ko pa matapos 'yung sinasabi ko, binaba na niya 'yung phone. Napabuntong hininga na lang ako sabay pikit ng mga mata. Tiwala lang, Sasha. Kaya mo 'to. Pagsubok lang 'to sa relasyon niyo ni Paris. Mahal na mahal ka niya. Intindihin mo lang.

Halos pukpukin ko ang ulo ko sa mga sinabi ko sa isip ko. Ang weird ko talaga! Mag-isa lang akong kumain sa dining hall. Wala kasi ang parents ko dahil nasa bakasyon sila. Wedding anniversary kasi nila kaya nagpunta sila ng Italy para mag-celebrate. Binilisan ko nang kumain para hindi naman mabagot sa kakahintay sa akin si Paris.

"Young Lady, telepono po. Si Miss Jessica." lumapit sa akin 'yung isa sa helpers tapos binigay sa akin 'yung wireless phone.

"Salamat." sabi ko tapos kinuha 'yung phone at itinapat sa tenga ko. "Hi, Jess."

"Oh my gosh! Bati na daw kayo nina Andie at Cedric? Why o why?" pa-OA na sabi bi Jess sa akin at walang pakialam sa bati ko sa kanya.

Tumawa na lang ako. "Oo, naka-move on naman na ako sa kanila kaya wala nang problema. Pero syempre mahirap nang maibalik 'yung dati kaya okay nang casual na lang kami."

"Really? Walang bitterness? Break na sila ha. Tapos si Andie nasa New Zealand na, nag-migrate. She texted me para mag-goodbye at mag-sorry. Naiyak nga ako e. Naiyak ka rin 'no?"

"Oo nga, walang bitterness! Uhmm, oo naiyak din naman ako kasi biglaan 'yun pero wala na tayong magagawa kung 'yun ang desisyon niya."

"Kung sabagay... Anyways, kamusta ang buntis? Healthy ba?"

Bumuntong hininga ako tapos uminom muna ng tubig na may lemonade. "Err, malakas pa rin ang kapit ni baby hehe. Kaya pa naman." pero kung tutuusin, nase-stress ako sa nangyayari sa amin ni Paris.

Ayoko mang magpa-apekto pero hindi ko maiwasan. Ang sakit kasi e, kasi pakiramdam ko parang naiichapwera ako. Sinusurpotahan ko naman siya pero bakit parang nababalewala ako? Hinahayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin pero parang wala lang ako. He can't even appreciate me.

"Excited talaga ako sa baby niyo. Alam mong ninang ako ha!" paalala sa akin ni Jessica.

Tumango lang ako tapos ngumiti, "Oo naman, o siya tatapusin ko munang kumain dahil babalik pa ako kina Paris. Nag-stay lang ako ng ilang araw dito sa amin."

Pagkatapos ng ilang palitan ng messages, tinapos na namin 'yung pag-uusap at inubos ko na rin ang pagkain ko.

Nagpahatid ako sa driver namin mula dito sa bahay hanggang doon sa tower. Isang oras din ang byahe ko, medyo nakaka-stress kasi ang traffic e. Nilagay ko na 'yung 4-digit door code doon sa pinto tapos pumasok na ako. Nagulat pa si Paris nang makita niya ako.

"O-okay ka lang?" alangang tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at kinuha 'yung backpack ko pati 'yung sling bag. "Ba't 'di ka man lang nag-text na nasa baba ka na kanina. Eh 'di sana sinundo na kita. Nabigatan ka ba?"

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon